in , ,

James Reid, di napigilang sumagot nung tanungin kung handa na bang niyang makita si Nadine na may iba ng jowa

Mahigit isang taon mula nang maghiwalay sila ni Nadine Lustre, James Reid tahasang tinanong kung handa na ba siyang makita ang EX na magkaroon ng bagong love life.

Sa recent interview ni Boy Abunda kay James Reid sa isang episode ng “The Interviewer Presents” sa kanyang Youtube channel, tahasang niyang tinanong si James ng mga personal questions.

Pigil hininga ang mga viewers nang ilatag ni Tito Boy ang tanong na,

‘Since you and Nadine are both single, are you ready to see her with a new suitor?’ Say no. I’m joking.”

Tila natigilan si James at napaisip sa makahulugang tanong na ito, ilang segundo pa ang lumipas nang siya ay sumagot.

“I don’t think anyone in that situation is really excited to see their ex with someone else, but you know, that’s not my choice.”

Ngunit tila hindi kuntento ang King of Talk Show at sinundan agad niya ng isa pang personal na tanong.

“But I’m forced to follow up that question. But if it were your choice, what would you choose?”

Pero mukhang persistent din si James sa gusto niyang iparating kay Tito Boy at sa mga viewers, paliwanag niya,

“I mean, it can’t be my choice, but if magically I had to decide if she would be with someone, of course, I know I’d wish her the best. I want her to be happy.

Nang magtanong si Boy kung papayagan niya si Nadine na aliwin ang mga suitors, sumagot si James nang walang pagaalinlangan,

“I’m not her husband, neither am I her father, so she can do whatever makes her the happiest.”

Ayon naman kay James, matapos ang break up, naging mabuting magkaibigan parin naman sila ni Nadine at nagkakasama parin pa minsan minsan. Para sa kanya, wala silang odd feelings sa isa’t isa sa kabila nang tinapos nilang relasyon.

Kung maalala naman sa past interview ni Nadine, diniscribe niya ang relasyon nila ni James bilang  “it is what it is.”

“He’s (James) just been pushing me. He’s actually the one lining up all the projects for me which I am really grateful for. I wouldn’t have done it without him, to be honest.”

Nabanggit din ni Nadine sa interview na ito na wala pa siyang dini-date na bago dahil sobrang busy niya sa kanyang trabaho. Pinili niyang huwag muna mag entertain ng bagong pag-ibig at uunahin muna niyang ayusin ang kanyang sarili.

Gayunpaman, kamakailan lamang, mabilis na kumalat ang balita at mga larawan tungkol sa kanyang di umano pakikipag-date sa isang non-showbiz guy.

 

 

 

Rudy Baldwin personal ng nagpunta sa NBI upang maghain ng kaso laban sa mga naninira sa kaniya

Angel Locsin at Neil Arce ikinasal na sa isang civil wedding ceremony