in

Angel Locsin at Neil Arce ikinasal na sa isang civil wedding ceremony

Matapos ang dalawang taon bilang engaged couple, Neil Arce at Angel Locsin kinasal na!

Ngayong araw, August 7, ay ibinahagi ni Angel Locsin na kasal na sila ng longtime boyfriend na si Neil Arce.

Sa kani-kanilang Instagram post ay ibinahagi ng newly wed couple na ngayon ang ilang litrato sa naganap na kasalan.

Isang simpleng civil wedding lang ang naganap kasama ang ilang malalapit na kaibigan at kapamilya ng magkabilang partido.

Makikitang nakasuot lamang ng casual white sina Neil at Angel sa naganap na kasalan.

and just like that, Bukas na yung iba. Namimilipit pa ako sa kilig,” saad ni Angel sa kanyang caption.

Kalakip ang larawan nila ni Neil na kitang kita na kinikilig talaga ang aktres sa mga oras na iyon.

Ibinahagi din ng Nice Print photography ang mga kuha nilang litrato sa civil wedding nina Angel at Neil.

Wala pang ibang detalye na ibinabahagi ang mga bagong kasal sa naging kaganapan sa pag-iisang dibdib nila.

Ngunit sa kanilang YouTube channel na The Angel and Neil Channel ay ibinahagi nila ang latest vlog nila.

Kung saan ay naghahanda na sila sa paglilipat umano nila sa bago nilang bahay.

Makikita ang magulo nilang tinutuluyan ngayon dahil nagbabalot na nga sila ng kung ano ang kanilang dadalhin at kailangan ng i let go.

Sa huling parte ng kanilang video ay doon na nga nila ibinahagi na hindi na sila nakapaghintay at nagpakasal na sila.

Umani naman ng congratulatory message ang video ng bagong kasal mula sa kanilang mga kaibigan at napakaraming fans.

Narito ang kanilang video:

James Reid, di napigilang sumagot nung tanungin kung handa na bang niyang makita si Nadine na may iba ng jowa

Naglalakbay ang kasintahan ng 2,400 km upang sorpresahin ang kanyang Girlfriend ngunit….