in

Vice Ganda handa na umanong magkaroon ng sariling anak

Ready na ang Unkabogable Star na si Vice Ganda na maging magulang.

Sinabi ng ng talent manager na si Ogie Diaz na nagpahayag ng interes na magkaroon ng sariling anak si Vice.

Marami raw kasi ang nagtatanong kay Ogie kung gagaya na nga ba si Vice kanya.

“Kapag nagkaroon ka ng sarili mong anak, na talagang dugo at laman mo, nagbabago ang perspektibo mo sa buhay.” Payo umano ni Ogie kay Vice.

“Ayokong maging tatay. I want to be a parent,” sagot ni Vice.

“Diyos ko, baka maguluhan ‘yung bata, ganito ako. I just want to be a parent. Neutral, walang gender,” dagdag pa nito.

Nang tanungin siya kung ano ang pakiramdam niya noong mga panahong pinu-push siya na magkaroon na ng sariling anak, nandiri daw ang TV host-comedian.

“Syempre noong una, baklang-bakla ako nang todo ‘di ba tapos hindi talaga sumasagi sa kahit anong bahagi ng utak o ng kamalayan ko ang pagkakaroon ng anak.

“Diring-diri talaga ako kasi hindi ko nakikita ‘yung sarili ko na mag-aanak.

“Parang happy na ako na meme-memehan ako ng napakaraming tao. Pero ‘yung totoong sa akin, hindi ko talaga naaano (naiisip),” pagpapatuloy niya.

Sa napakaraming achievements nga na nakamit ni Vice, idavdag pa ang masayang love life nito kasama ang partner na si Ion Perez, tila anak na lang ang kulang sa buhay niya

Ito nga raw ang pangarap ni Ogie para kay Vice. Ito rin ang pangarap ng kanyang inang si Nanay Rosario.

Sa huli ng kanilang pag-uusap ay masayang-masaya din si Ogie para sa kaibigan.

Dahil naabot na nito ang kaniyang mga pangarap sa buhay.

At ngayon nga ay muling isasakatuparan ang kagustuhan niya na magkaroon ng sariling pamilya.

Dating aktres na si Donita Rose isa na ngayong chef sa sikat na restaurant sa U.S

Rudy Baldwin personal ng nagpunta sa NBI upang maghain ng kaso laban sa mga naninira sa kaniya