in , ,

Ex to EX reaction – Derek at Ellen nag react sa posibleng pagtatambal nila John Lloyd Cruz at Andrea Torres

Ilang buwan ding naging usap-usapan ang biglang pag amin ng relasyon nila Ellen Adarna at Derek Ramsay. Kasunod nito ang mas lalong ikinabigla ng marami, ang kanilang engagement.

Dahil sa mga rebelasyong ito, hindi maiwasang maungat ang naging previous relationship ng dalawa at pilit na ikokonnek sa present.

Kamakailan lang ay marami ang nagulat sa hindi inaasahang paglipat ni John Lloyd Cruz sa Kapuso network. Kasunod nang balitang possible siyang itambal kay Andrea Torres sa isang proyekto.

Napagalaman na excited di umano si Andrea na makatrabaho ang A-list actor kahit na wala pa naman talagang hinahain ang management ng GMA tungkol dito.

Dahil sa balitang ito maraming netizens ang tila naligalig sa balita at inaantay ang magiging reaksyon ng kanilang mga ex na sila Derek Ramsay at Ellen Adarna.

Sa isang panayam ng PEP sa engagement couple na Derek at Ellen, hindi naman pinalagpas na hingan sila ng reaksyon tungkol sa bali balitang pagtatambal ng kanilang mga ex.

Reaksyon ni Ellen,

“Good for them. More blessings, more fun.”

Sinundan naman ni Derek,

“That’s true! Congratulations. I mean, may project sila together. Maganda ang sitcom kasi it spreads good vibes. So, wala naman akong ano. Congrats!”

Pag aamin naman ni Ellen, walang problema sa pagitan nila ni John Lloyd ngayon. In good terms daw sila at nakakapag usap ng maayos tungkol sa kanila anak na si Elias. Hanggang doon lamang daw at wala nang iba pa.

Samantalang si Derek naman ay inaming wala nang communication sa pagitan nila ng kanyang ex na si Andrea mula nung maghiwalay sila.

Sa ngayon ay nag eenjoy sina Derek at Ellen sa kung anong meron sila, habang nag aantay pa si Derek sa schedules nang mga naka line up niyang movie projects.

So far so good naman pala ang relasyon ng mga taong involved dito. Ano pong masasabi niyo?

 

 

 

 

Daniel at Dominic may alitan nga ba? In-unfollow ang isa’t isa sa Instagram

Nadine Lustre spotted na kasama ang diumano’y bagong foreigner boyfriend nito