in

Dating aktres na si Donita Rose isa na ngayong chef sa sikat na restaurant sa U.S

Isa na ngayong corporate chef in the US ang dating sikat na aktres na si Donita Rose.

Sa panibagong video ng YouTube channel nina LJ Moreno at Ruffa Mae Quinto na Wander Mamas,

Nakausap nila ang kasamahan sa showbiz na si Donita Rose na kasalukuyan ding nakatira at nagtatrabaho sa Amerika.

Ibinalita ni Donita sa isang Instagram post noong Abril na siya ay research and development chef ng Island Pacific Supermarket.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Donita Rose (@dashofdonita)

Ang Island Pacific ay Filipino chain of supermarkets na pagmamay-ari ng Filipino businessman na si Niño Jefferson Lim, asawa ng dating aktres na si Krista Ranillo.

Kahit mataas na ang kaniyang posisyon, ibinahagi ni Donita ang kanyang dedikasyon sa kanyang trabaho.

“Nagugulat ang mga Pinoy dito, ako naglalabas ng basura. Ako nagda-dump sa dumpster. Hindi ko trabaho ‘yon, pero I do it. Nagpupunas ako ng mga table. Sabi, ‘Dee, ano bang trabaho mo?’” 

Sabi pa ni Donita tungkol sa kanyang trabaho, “I love what I do, but it’s really really hard… physical.”

Nagkuwento rin si Donita kung ano ang ilan sa kanyang trabaho bilang research and development chef.

“So, we work together on a project, yung mga sinigang mix, adobo mix, caldereta… we’re going to launch that very soon.

“When you look at the back of the packaging sa taas, nakalagay dun tradition use, sinigang, ganun.

Isa si Donita sa mga artistang nakaranas ng matinding hamon nang tumama ang pandemya simula noong 2020.

Isa ito sa pangunahing kunsiderasyon para lisanin niya ang Pilipinas at magpunta sa Amerika.

Kasama ni Donita ang 16 anyos na anak na si JP Villarama, anak niya sa dating asawang si Eric Villarama.

Panoorin dito ang kanilang chikahan:

Netizens umapela, Beauty ni Kisses Delavin pang fiesta lang daw at walang kabuhay-buhay

Vice Ganda handa na umanong magkaroon ng sariling anak