in

Julia Barretto at Gerald Anderson nawawalan na nga ba ng gana sa isa’t-isa?

Bali-balitang nagkakasawaan na umano ang controversial couple na sina Gerald Anderson at Julia Barretto.

Saad kasi ng ilan ay parang walang gana na umano si Gerald sa mga video sa Tiktok ni Julia.

Ngunit napabulaanan naman ang balitang ito dahil sa latest vlog update ni Julia noong July 31.

Kung saan kasama niya ang kanyang nobyong si Gerald at ang kanyang inang si Marjorie Barretto. Kumasa sina Gerald at Marjorie sa “Who Knows Me (Julia) Better” challenge ni Julia.

Makikita sa vlog ni Julia na masayang masaya sila ng kasintahan pag nasasagot ng tama ni Gerald ang mga tanong.

Nagpapatunay na kilalang-kilala na niya si Julia dahil halos tie ang score nila ng ina ng aktres.

Samantala, saad naman ni Ogie Diaz sa kanyang vlog, dahil umano sa big age gap ng dalawa kaya nami-misinterpret ang ilang kilos ni Gerald.

Sinabi din niya nadahil baka saktong pagod o wala lang sa mood si Gerald noong makunan ni Julia. Tao rin naman ito at hindi naman palaging mataas ang energy.

Tila di rin naman pinansin ni Julia ang mga mapangmatang netizens dahil no comment lang ito sa isyu dahil di naman ito totoo.

Sa fanpage nga ng Julia and Gerald ay tila pinasaringan pa nila si Ogie Diaz.

“Next vlog: Landian for 24hrs! Haha.. wait lang daw @ogie_diaz update ka nila”

John Regala, nakiusap sa mga TV network na bigyan siya ng trabaho

Daniel at Dominic may alitan nga ba? In-unfollow ang isa’t isa sa Instagram