in , , ,

Rufa Mae Quinto, naiiyak sa buhay na dinaranas niya ngayon sa US

Inihayag ni Rufa Mae Quinto ang hirap na naranasan niya sa pag aadjust sa pamumuhay nila sa Estados Unidos.

Kinapanayam ni Pia Arcanghel si Rufa sa isang episode ng “Tunay Na Buhay” kung saan ibinahagi niya kung ano ang buhay sa Amerika.

Inamin ni Rufa na namimiss niya ang industriya ng showbiz sa Pilipinas,

“Oo, miss na miss ko talaga, grabe.”

Sinabi pa ng aktres na hindi niya inisip noon na pupunta siya sa ibang bansa upang maging dishwasher.

“Tuwing nakikita ko yung mga artista, sasabihin ko sa sarili ko, tuwing naghuhugas ako ng plato, ‘after everything I’ve done, sumikat ako sa Philippines, ito lang ba ang bagsak ko?

Maghugas ng plato? Hirap na hirap ako nu’ng una. Umiiyak-iyak pa ako. End of the world na para sa akin nu’ng una ko dito,”

Sa kabila ng malaking sakripisyo bilang ina at asawa, masaya naman raw siya dahil sa kanyang pamilya.

“Sabi ko mas mabuti na rin ‘to dahil nakikita ng anak ko yung tunay na buhay,” .

“Ako lahat dito kaya wala ka na talagang time para sa kung anu-ano. Kung hindi importante o trabaho, hindi na ako dapat lumabas kasi mag-fall down yung bahay,”

Ang sikat na komedyante ay lumipad patungong US noong nakaraang taon kasama ang kanyang anak na si Alexandria upang ipagdiwang ang Araw ng mga Puso kasama ang asawang si Trevor Magallanes.

Sa kasamaang palad, ang kanilang dalawang linggong lang dapat na bakasyon ay aabot hanggang 2021 dahil sa C0v1D p4nd3m1c.

Sa kabilang banda, mukha naman nag eenjoy na ngayon si Rufa Mae at ang kanyang pamilya sa US, base sa kanyang mga post sa kanyang Instagram account.

Regular din silang nagkikita kita ng mga Pinoy celebrities din na nakatira narin ngayon sa US gaya nila Ruby Rodriguez, Lj Reyes, Donita Rose at si Bale.

Sa ngayon ay patuloy na lumalaban at humaharap si Rufa Mae sa mga hapon ng buhay sa US, araw araw na gumigising na may positibong pananaw.

Certain as the Sun! Good morning sunshine ! We survive another month! Yahoo! Amen 🙏

Plano niyang bumalik sa Pilipinas ngayong taon upang matugunan ang ilang personal na bagay.

Katambal noon ni Mahal na si Mura, nanawagan ng tulong dahil sa kalagayan niya ngayon

Prangkang mensahe ng nanay ni Gerald Anderson para kay Julia Barretto noon, naungkat muli!