in , ,

Prangkang mensahe ng nanay ni Gerald Anderson para kay Julia Barretto noon, naungkat muli!

 

Pinag usapan muli sa social media ang prangkang komento noon ng ina ni Gerald Anderson na si Mrs. Evangeline Opsima tungkol kay Bea Alonzo at Julia Barreto.

 

Kung inyong matatandaan, pinagusapan ng husto ng mag netizens ang mga matapang na pahayag ni Mommy Vangie.

Tungkol ito sa mga babaeng na-link sa kanyang anak na si Gerald.

Mula naman sa panayam noon sa ABS-CBN ay sinabihan noon ni Evangeline Opsima si Julia na malayo ang agwat ng edad para sa kanyang anak. Sinabi nito na hindi siya kumpiyansa na magtatagal ang relasyon nilang dalawa.

Si Julia ang itinuturong third party noon sa hiwalayan nina Gerald at Bea.

Nagkapareha sina Gerald at Julia sa pelikulang Between Maybes, na ipinalabas noong Mayo 2019.

Si Bea mismo ang nag-anunsiyo sa panloloko diumano sa kanya ni Gerald sa pamamagitan ng isang cyptic post sa Instagram.

Ito ay matapos mag-viral ang mga larawan at videos nina Gerald at Julia na dumalo sa birthday party ni Rayver Cruz sa Bonifacio Global City, Taguig.

 

Mensahe ni Mommy Vangie kay Julia,

“Hindi ko nga sinasabi na ayaw kita. No.

“Ang akin lang, advice ko lang sa ‘yo, please, ayaw ko kasi may edad na rin Gerald sa ‘yo.

“Hindi rin kayo magtagal dahil alam ko nasa industriya ka rin.”

 

Walong taon ang tanda ni Gerald kay Julia.

Matatandaan na noong 2019 ay naging laman ng mga pahayagan ang love triangle issue sa pagitan ng tatlong artista.

Dalawang taon matapos ang nasabing isyu ay umamin si Gerald na siya ay may relasyon nga kay Julia.

Sa ngayon ay mukhang going strong naman ang relasyon ng dalawa. Sa katunayan, nagigng open narin sila sa public tungkol sa mga ilang kaganapan sa kanilang buhay.

Narito ang pahayag noon ni Mommy Vangie:

Anong say mo dito?

Rufa Mae Quinto, naiiyak sa buhay na dinaranas niya ngayon sa US

Sikat Na Batikang Aktor Pumanaw Na Daw Na Hindi Alam ng Nakakarami