in

Katambal noon ni Mahal na si Mura, nanawagan ng tulong dahil sa kalagayan niya ngayon

 

Ibinahagi ni Mura o Allan Padua sa tunay na buhay ang sitwasyon niya ngayon sa probinsya.

Sa isang video na ibinahagi ng YouTube channel na Virgelyncares 2.0, naibahagi ni Mura kung paano siya nabubuhay sa kasalukuyan.

Kapansin-pansin na hirap si Mura sa paglalakad dahil sa aksidenteng nangyari sa kanya.

Taong 2010, nabali ang kaliwang hita ni Mura. Mula noon, hindi na siya nakabalik ng showbiz.

Ngayon, nakatira ang 46-anyos na dating komedyante sa Ginubatan, Albay kasama ang kaniyang pamilya, at dito ay bumalik siya sa simpleng pamumuhay.

Gayunpaman, siya mismo ang gumagawa ng mga gawain para makaani sila mula sa kanilang mga pananim.

Kwento ni Mura, nakatakda sana siyang makasama ng namaalam na batikang aktor na si Eddie Garcia ngunit dahil sa kanyang kalagayan ay tinanggihan niya umano dahil hindi niya kakayaning tumakbo.

“Di ko na kaya, sinasama ako ni Tito Eddie Garcia noon, di ko na kaya magtakbo takbuhan, mahina na,”pagbabahagi niya.

Ngunit aniya, kung mabibigyan siyang muli ng pagkakataon ay gagawin niya ang kanyang makakaya upang makabalik muli sa pag-aartista.

Ayon kay Mura ay hindi parin niya nakakalimutan ang showbiz at nais parin niyang bumalik dito.

Para matulungan ang kanyang pamilya sa probinsya pero hindi na siya masyadong nakakatanggap ng mga proyekto.

Naging emosyonal naman si Mura nang iabot sa kanya ang P10,000 ng vlogger na si Virgelyn.

Ito umano ang nalikom niyang donasyon mula sa mga OFW at iba pang kababayan na nais tulungan si Mura.

Labis ang iyak ni Mura ng abutan ng vlogger dahil malaking tulong daw sa kanya ang perang ito.

Nanawagan siyang huwag sanang magsawa ang mga tao sa mga pagsuporta sa mga kagaya niyang nalaos na sa industriya.

Panoorin ang kabuuan ng video dito:

Marjorie Barretto may mahalagang pangaral sa mga anak tungkol sa kanilang mga ex

Rufa Mae Quinto, naiiyak sa buhay na dinaranas niya ngayon sa US