in

Marjorie Barretto may mahalagang pangaral sa mga anak tungkol sa kanilang mga ex

Ibinahagi ni Marjorie Barretto ang isang payo niya sa kanyang mga anak. Ito ay ang huwag magtanim ng sama ng loob sa mga nakasakit sa kanila.

Mabigat daw kasi ito sa pakiramdam.

Sa vlog ni Toni Gonzaga na tonitalks, bahagyang napag-usapan ng dalawa ang tungkol sa “hatred sa heart.”

Saad ni Marjorie, “First of all, not to speak ill of your ex. This is really a lesson I’ve taught my kids. Julia has experienced bad relationships, but you won’t hear her speak ill of them.”

Samantala, sa mga anak ni Marjorie given na ang pangalawang anak na si Julia Barretto ang nakaranas at patuloy na nakakaranas ng iba’t-ibang judgment, pangungutya, at pamba-bash mula sa iba’t-ibang tao dahil bata pa lang ay pinasok na nito ang pag-aartista.

Kaya naman binalaan ni Marjorie ang mga taong tila hindi raw tumitigil sa kakapanira sa kanyang anak.

Buhay na buhay pa raw siya kaya dapat alam ng taong tinutukoy niya kung kailan ito dapat tumigil sa kakabira kay Julia.

Aminado si Marjorie na mahirap magpigil na wag pumatol.

Alam na alam ko, you know the struggle of not talking? Kasi I don’t know if people pleaser ako. Maybe ayokong isipin ng mga tao na palengkera ako.

“Pero meron akong moment and I tell you and I always tell my kids, I wanna remind that person who always hits on my daughter, ‘Buhay pa nanay niya ha. Buhay na buhay ako. You better know when to stop.’”

But in the end, she always chooses the higher ground dahil “bashers don’t count” naman umano kung tutuusin.

Moreover, si Julia raw mismo ang pumipigil sa kanyang magsalita.

Panoorin dito ang kabuuan ng interview ni Toni kay Marjorie:

Albert Martinez ipinasilip ang kanyang car collection mula pa noong 1995 na umabot sa 20+ piraso

Katambal noon ni Mahal na si Mura, nanawagan ng tulong dahil sa kalagayan niya ngayon