in ,

Julia Montes napipisil na ipalit kay Bea Alonzo sa teleseryeng “Kahit Minsan Lang”

Marami ang nagre-request na si Julia Montes ang ipalit kay Bea Alonzo sa teleseryeng Kahit Minsan Lang.

Ito ay matapos makansela ang unang plano dahil hindi na magagawa pa ni Bea Alonzo ang project dahil lumipat  na siya sa GMA Network.

Ang original na set up ng dapat sanang upcoming serye na Kahit Minsan Lang pagbibidahan dapat nina Bea Alonzo, Rafael Rosell, at Richard Gutierrez.

Ang Star Creatives, entertainment production unit ng ABS-CBN, ang producer ng Kahit Minsan Lang.

Nagsimula na ang taping ng teleserye isang taon na ang nakalilipas hanggang abutan ito ng lockdown dahil sa p4ndemic. Sa katunayan ay may mga lumabas nang still photos ng naturang serye sa social media kasama pa si Bea.

Sa kabila nito, isang production insider ang nagsabing itutuloy pa rin ng Star Creatives ang Kahit Minsan Lang dahil si Bea lamang ang mawawala sa cast.

Diumano, may mga aktres nang pinagpipilian ang Star Creatives para maging kapalit ni Bea bilang pangunahing bida ng serye.

At sa paglipat nga ni Bea ng istasyon ay muling naging usap-usapan ang trailer ng teleseryeng naiwan niya.

Kaya naman kanya-kanya ng suhestyon ang mga netizens sa mga aktres na pwedeng pumalit kay Bea sa serye.

Ang ilan ng sa mga napili ng netizens ay sina  Maja Salvador, Angel Locsin, Bela Padilla, Shaina Magdayao, Denise Laurel, at Julia Montes.

Napag-alaman naman una nang nai-offer na pala kay Maja ang nasabing role ngunit tinanggihan ito ng aktres.

Samantala sa nangyaring poll sa Twitter ay si Julia Montes ang nag stand up.

Siya ang nakakuha ng pinakamaraming boto, saad pa nga ng ilang netizens ay bagay na bagay daw kay Julia ang role na ito.

 

Si Julia Montes na nga ba ang papalit sa naiwang trono ni Bea Alonzo sa Kapamilya network? Ano pong masasabi niyo dito?

Raymond Gutierrez umani ng suporta matapos ilantad ang tunay niyang pagkatao sa publiko

Coco Martin aminadong kabado sa pagpasok ni Julia Montes sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’