in

Coco Martin aminadong kabado sa pagpasok ni Julia Montes sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’

Inamin ni Coco Martin na ninenerbyos siya sa pagpasok ni Julia Montes sa pinagbibidahan niyang seryeng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’

“Hindi ako puwede magkamali this time.”

Ito ang natatawang saad ni Coco nang tanungin tungkol sa nararamdaman sa pagpasok ni Julia Montes.

Sa long-running primetime series na “Ang Probinsyano.”

Sa panayam ng dalawa sa Dreamscape Entertainment, inamin ng aktor na hindi siya makatulog dahil sa tensyon na nararamdaman sa muling pagsasama nila ni Julia sa isang proyekto.

After so many years kasi, ngayon lang ulit nagkasama ang dalawa in one interview na matagal nang inaabangan ng kanilang loyal supporters.

Siyempre, paunang pakilig pa lang ito dahil nga malapit na silang mapanood gabi-gabi na magkasama sa FPJ’s Ang Probinsyano na hudyat ng pagbabalik ng kanilang tambalan after 6 years.Ayon kay Coco ay sobrang excited siya sa pagsasama nilang muli ni Julia sa telebisyon.

“Ako ’yung di nakatulog. Ako ’yung tensyonado kasi makakasama ko siya. Hindi ako pwede magkamali this time. Dito pa ba ko sasablay?” saad ni Coco.

“Ako ’yung natataranta. Ako ’yung ninenerbyos. Ewan ko bakit ko pinasok ’to?” dagdag pa niya.

Paliwanag ni Coco, action ang gagawin ni Julia sa teleserye kaya naman kailangan niyang turuan maigi ang aktres mula sa paghawak ng ba’ril hanggang sa pagmomotor.

Samantala, masaya naman si Julia na mapapabilang siya sa teleserye.

Aniya parang hindi kumpleto ang career ng isang artista kapag hindi nakapag-guest sa FPJAP.

May kaunting pressure naman na nararamdaman si Julia sa bagong proyekto dahil alam umano niya ang dedikasyon ng bumubuo rito.

Julia Montes napipisil na ipalit kay Bea Alonzo sa teleseryeng “Kahit Minsan Lang”

Albert Martinez ipinasilip ang kanyang car collection mula pa noong 1995 na umabot sa 20+ piraso