in

Xian Gaza ibinulgar ang modus diumano ng manghuhulang si Rudy Baldwin

Mga lihim na modus ng sikat na manghuhulang si Rudy Baldwin isiniwalat ni Xian Gaza.

Kamakailang lang ay nagpalitan ng maanghang na mensahe sina Xian Gaza at Rudy Baldwin.

Kinuwestiyon kasi ni Xian ang mga hula ni Rudy.

Na karamihan ay tungkol sa mga maaring mangyaring masama sa iba’t ibang lugar at tao.

Pinuna ni Xian ang vision ni Rudy tungkol sa nangyaring lind0l noon sa Batangas ngunit hindi naman daw nahulaan ng manghuhula ang pagkapanalo ni Hidilyn Diaz sa Olympics.

Ilang bagay pa ang kinwestyon ni Xian sa mga negative visions ni Rudy Baldwin.

At kahapon lamang August 1, ay isang expose ang ibinahagi ni Xian tungkol kay Baldwin.

Sa pagsisimula ng exposé ni Xian ay ibinulgar nito na scammer si Baldwin at hind totoong may vision itong nakikita.

Ayon kay Gaza na ang bawat inilalabas na mga vision ni Baldwin ay mga possibility lamang na mangyayari.

Unang bahagi umano ito ng step ng panloloko ni Baldwin, dahil sa paglago umano ng followers nito ay lumalago rin ang naniniwala at nananalig sa di-umano’y pekeng vision nito.

Dagdag pa ni Gaza na may dalawang babae na ang lumapit sa kaniya at ibinulgar na nabudol umano sila ni Baldwin.

Dahil sa tila magandang reputasyon ni Baldwin sa kaniyang vision ay lalapitan siya ng followers at magpapahula,

Huhulaan umano ni Baldwin ang mga ito at sasabihing may masamang mangyayari sa pamilya ng mga ito.

Dito na umano papasok ang pagbibenta ni Baldwin ng kaniyang amulet na nagkakahalaga umano ng 20k hanggang 50k.

Dahil sa modus na ito ay kumikita umano ng mahigit sa isa hanggang dalawang milyong piso si Baldwin.

Dahil umano sa panloloko nito sa mga followers nito na naniwala sa taglay niyang vision.

Never before seen preggy photos ni Ellen Adarna, lakas loob niyang ibinahagi sa mga fans

Shaina Magdayao, may inamin sa publiko tungkol sa kanyang personal na buhay ngayon