in

Raymond Gutierrez umani ng suporta matapos ilantad ang tunay niyang pagkatao sa publiko

 

Proud na lumantad na bilang parte ng LGBTQ community ang kambal ni Richard Gutierrez na si Raymond Gutierrez.

Sa kanyang Instagram kahapon, August 1, ipinost ni Raymond ang cover photo ng Mega Magazine for this month of August.

Kung saan n’ya ni-reveal ang kanyang tunay na gender identity.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mond (@mond)

Sa interview ng MEGA Entertainment, sinabi ni Raymond na masaya siyang naisapubliko na ang kanyang tunay na pagkatao.

“I’m here to formally say that I am a proud member of the LGBTQ community. And it feels great saying that publicly because I am,” lahad ni Raymond.

Aniya, naging trigger ang pandemic para ma-realize niyang maiksi ang buhay at mas mahalaga ang kanyang kasiyahan.

‘It’s not necessarily whom you go to bed at night with. It’s more about how you feel,” dagdag pa ng kambal ni Richard Gutierrez.

Kuwento niya, napagtanto niyang hindi maging madali maging bahagi ng LGBTQIA+ community

Lalo na noong kakasimula niya pa lamang sumabak sa showbiz.

Ngunit ngayon ay handa na siyang mag-inspire ng iba pang tao na nahirapan ding mag-out.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mond (@mond)

Dagdag pa niya, matagal na itong alam ng mga malalapit sa kanya. Pinasalamatan niya sila sa buo nilang pagtanggap sa kanya.

Umani naman ng suporta ang multi-hyphenate celebrity mula sa kanyang pamilya, mga malalapit na kaibigan, mga kasamahan sa industriya, at mga fans dahil sa kanyang pagpapaka-totoo.

Kabilang sa mga nagkomento sa IG post ni Mond ang kanyang kakambal na si Richard Gutierrez, na nagpadala ng tatlong red hearts; ang misis ni Richard na si Sarah Lahbati, na nagsabing “so proud!!! Love you” kalakip ang apat na pink hearts.

Shaina Magdayao, may inamin sa publiko tungkol sa kanyang personal na buhay ngayon

Julia Montes napipisil na ipalit kay Bea Alonzo sa teleseryeng “Kahit Minsan Lang”