in

Tito, Vic and Joey naging emosyonal sa pagdiriwang ng 42nd anniversary ng Eat Bulaga

Hindi napigilan nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon na maging emosyonal at maluha.

Sa “throwback” moment sa selebrasyon ng ika-42 anibersaryo ng kanilang programang “Eat Bulaga” nitong Biyernes.

After more than 500 days o mahigit isang taong hindi pagkikita-kita nang personal sa “Eat Bulaga”, muli ngang nag-reunion sina Tito, Vic & Joey para sa live episode ng show sa APT Studios.

Nakasama rin nila sa studio sina Ryan Agoncillo, Pauleen Luna, Paolo Ballesteros at Maine Mendoza while the rest of the Dabarkads ay Team Bahay muna kabilang na sina Alden Richards, Wally Bayola at Jose Manalo.

Sa isang bahagi nga ng programa, hindi rin napigilan ng manonood ang mapaiyak.

Nang maluha-luhang nagpasalamat si Bossing Vic sa milyun-milyong loyal Dabarkads.

“Nu’ng 25 years ng Eat Bulaga, naiiyak na ako no’n eh,” sabi ni Vic na nababasag ang boses.

Habang makikitang napapunas ng luha ang kaniyang asawa na si Pauleen Luna-Sotto.

“Eh kasi naman sa bawat yugto ng aming buhay, bilang ama, bilang asawa, bilang Enteng Kabisote, Starzan,

Bilang Vice President (turo kay Tito Sen) este Senator pa lang,

Salamat sa inyo Dabarkads dahil tinanggap at pinagkatiwalaan niyo kami bilang Dabarkads niyo

Ng maraming taon at sa mga darating pang panahon,” 

Kasunod nito, ipinahayag rin ni Vic ang kanyang 100% support sa kapatid na si Senate President Tito Sotto sa mga susunod nitong plano bilang public servant.

“Si Tito Sen mula naman noon, saan ka man dalhin ng iyong kapalaran nandito pa rin kami

at ano man ang sunod pang nakatadhana sa ‘yo nasa likod mo ang buong Eat Bulaga,” sey ni Bossing.

Maluha-luha namang reaksyon ni Tito Sen sa sinabi ni Bossing,

“Ang lakas ko na naman e, at ang lakas ng loob ko, e, nanggagaling sa inyo, Eat Bulaga at pagmamahal ng mga kababayan natin.

Ogie Diaz may ibinulgar ukol sa tunay na relasyon nina Ivana Alawi at Dan Fernandez

Never before seen preggy photos ni Ellen Adarna, lakas loob niyang ibinahagi sa mga fans