in , ,

Naaalala mo pa rin ang batang babae mula sa hit Thai movie na ‘Cr4zy Little Thing Called Love’? Heto na siya ngayon

Marahil ay isa ka sa mga pinakilig at nainspire sa Thai Movie noong 2010 na pinagbibidahan ng mga Thai actors na sila Mario Maurer at Pimchanok Luevisadpaibul.

11 years na ang nakalipas, maraming mga Asianovelas na ang nakabingwit sa puso ng mga Pinoy fans. Nagsimula pa sa tanyag na Taiwan Teen series na “Meteor Garden”, hanggang sa katapat nitong Koreano na pinamagatang “Boys over Flowers”.

Ang mga Pilipino ay na hook na sa iba’t ibang mga drama at pelikula sa Asya.

 

Isa sa pinakasikat na Asian movie na matatandaan pa ng maraming millennial ay ang 2010 Thai film na pinamagatang “Cr4zy Little Thing Called Love” na pinagbibidahan nina Mario Maurer at Pimchanok Luevisadpaibul.

Ang mga nakapanood nito ay siguradong na fell in love sa kwento ng isang Highschool student na si Nam, na ginawa ang lahat upang mapansin ng kanyang ultimate crush.

Si Pimchanok Luevisadpaibul o mas kilala sa Thailand nickname na Baifern ay ipinanganak noong September 30, 1992. Siya ay isang artista at model sa Thailand.

Sa kabila ng kanyang busy schedule, nakapagtapos pa rin siya ng Bachelor of Arts mula sa Srinakharinwirot University noong 2015.

Kung ating babalikan ang itsura niya noong 2010, si Pimchanok ay talagang old school, tipikal na itsura ng High School Student na nagkaroon ng crush for the first time.

May bangs at malalaking eyeglasses. Hindi rin kaputian ang kanyang balat at hindi maselan sa ayos ng kanyang buhok.

Gayunpaman, marami paring fans ang nag antabay sa kanyang pagtanda.

Ano na nga ba ang itsura niya ngayon?

Makalipas ang 11 years, si Baifern ay isa nang grown up woman na isa sa siguradong kakikiligan ng mga kalalakihan.

Ang mga kanyang mga recently uploaded photos sa social media ay nagpapakita ng napakalaking pagbabago sa kanyang itsura. Maging sa kanyang fashion, ay hindi papahuli ang Thai actress.

Lahat tayo ay may sariling paraan ng paglabas sa kanilang mga cocoon tulad ng kung paano nagiging butterflies ang mga uod.

Sa ngayon ay mayroong siyang mga movies na maaari mong mapanood ngayon sa Netflix. Isa sa mga ito ay “Friend Zone”.

 

Sanya Lopez, may ipinagtapat tungkol sa kanila ni Gabby Concepcion

Magkasintahang Loisa Andalio at Ronnie Alonte may offer din umano mula sa GMA Network