in

Barbie Forteza at Jak Roberto naglabas ng pahayag ukol sa kumakalat na balita na hiwalay na umano sila

Inalmahan ng Kapuso Primetime Princess na si Barbie Forteza ang kumakalat na balitang hiwalay na sila ni Jak Roberto.

Trending ngayon sa Facebook ang post ng isang page tungkol sa balitang hiwalay na nga ang Kapuso couple.

Saad sa nasabing Facebook post ,

“Actress Barbie Forteza state the reason behind her breakup with longtime boyfriend, Jak Roberto, on a statement released this Wednesday evening.”

Sinabi rito na ang dahilan umano ng hiwalayang Jak at Barbie ay nakalimutan ng aktor ang kanilang monthsarry.

Pakulong saad pa umano dito ni Barbie, “Hindi po tayo dapat pumayag na hindi ibigay saatin yung bare minimum. Simple lang po yung monthsary diba dapat natatandaan, napaka special po kasi nun sakin”

May kalakip pa itong isang artcard na may litrato ni Barbie na nagpapaliwanag kung bakit daw sila naghiwalay ni Jak.

Gamit ang dating viral vlog tungkol sa kanilang exchange gift.

Nang makarating ito sa Kapuso actress, agad niya itong ipinost sa kanyang Twitter account kung saan libu-libo na ang nagkomento, nag-like at nag-share.

Saad ni Barbie kahit halatang fake news umano ang nasabing post ay marami pa ring naniwala dito.

Sa pangalan pa lang kasi ng Facebook page ay alam ng peke ito dahil ginaya lamang ang logo ng Inquirer.

Ang caption ng dalaga sa kanyang tweet, “125 Reactions, 25k Comments & 68k Shares and counting… To whoever made this, you’re welcome.”

Halata namang f4ke na f4ke ang balitang ito dahil bukod sa logo na ginamit ay kaka-upload lang ni Jak ng bagong vlog sa YouTube kasama si Barbie.

Isa pang dalagang anak ni Jeric Raval na si Vanessa Raval agaw atensyon din ngayon sa social media

Anak ni Jennica, Ipinagmalaki ang kanya Ina sa mga kalaro