in

Mga reward na naghihintay kay Olympic Gold medalist Hidilyn Diaz umabot ng halos 35.5 Million pesos

 

Tumataginting na 35.5 Million pesos ang naghihintay kay Olympic Gold medalist na si Hidilyn Diaz!

 

 

Nagbunyi ang buong bansa dahil sa pagkapanalo ni Diaz, ito ang kauna-unahang gold ng bansa sa nagaganap na Olympics ngayon.

 

 

Lumikha ng kasaysayan si Hidilyn matapos masungkit ang kauna-unahang Olympic gold medal ng Pilipinas makalipas ang 97 taong  paghihintay.

 

 

Wagi ang 30-year-old Pinoy athlete na tubong-Zamboanga sa women’s 55-kg weightlifting event kung saan nabuhat niya nang bonggang-bongga ang 127kg sa kanyang huling attempt sa clean and jerk para sa kabuuang total na 224kg.

 

 

At dahil sa nakuha niyang gold sa weightlifting event ay umabot na sa P35.5 million ang kanyang matatanggap na pabuya.

 

 

Nakasaad sa Republic Act 10699 na ang sinumang mananalo ng ginto mula sa mga individual categories sa Olympics ay makatatanggap ng Php10 million. Si MVP Sports Foundation chairman Manny V. Pangilinan ay naglaan din ng Php10 million sa sinuman ang makapag-uuwi ng gintong medalya para sa bansa.

 

 

Nagdagdag din ng P3 million sina deputy speaker Mikee Romero at P2.5 million mula sa kanyang hometown na Zamboanga City.

 

 

Makakatanggap din si Hidilyn ng House & Lot sa Tagaytay mula kay Philippine Olympic Committee President Abraham Tolentino.

 

 

Isang condominium unit sa Eastwood City ang ibibigay ng Megaworld Corporation kay Diaz na nagkakahalaga ng ₱14 million.

 

 

Ang PHirst Park Homes Inc., na bahagi ng Century Properties ay magbibigay rin ng house & lot kay Pinay weightlifter na nagkakahalaga ng ₱4 million.

 

 

Lifetime na free fuel at 5 million cash incentive ang matatanggap ni Diaz mula kay Dennis Uy ng Phoenix Petroleum.

 

 

Bibigyan naman ng Philippine Airlines (PAL) si Diaz ng 80,000 miles per year for life si Diaz.

 

 

Congratulations Hidilyn!

Denise Laurel ibinahagi ang malubhang karamdaman na nakuha niya dahil sa pagpupuyat

Dabarkads Jimmy Santos, pinasok ang paguuling!