in

Dani Barretto nanghingi ng paumanhin ng kumalat ang litrato niya kasama ang amang si Kier Legaspi

 

Humingi ng paumanhin si Dani Barretto sa mga na-offend sa mga rebelasyong ibinahagi niya.

Sa isang panayam kamakailan sa vlog ni Dra. Vicki Belo.

 

 

Ayon kay Dani, wala siyang matandaang birthday celebration noong kabataan niya na nakasama ang kanyang estranged father.

 

 

Naghiwalay si Kier Legaspi at ang ina ni Dani na si Marjorie Barretto noong 1993, taon ng kanyang kapanganakan.

 

 

Saad ni Dani, “I don’t think I actually celebrated a birthday with my dad. Growing up, that was actually a major frustration for me.

“Kasi siyempre, when you have friends, you see them at birthday parties, tapos may cake blowing, tapos complete family pag may birthday.

 

 

“I didn’t have that growing up. It wasn’t naman much of a bubog.”

Pero sa ulat ng GMA News noong, July 23, may isang source na nagbahagi sa kanila ng tatlong larawang kuha noong second birthday celebration ni Dani.

 

 

Sa unang larawan, kitang karga-karga ni Kier si Dani sa party habang napaliligiran ng mga bisita.

 

 

Sa ikalawang larawan, makikita naman si Dani sa harap mismo ng kanyang birthday cake.

 

 

Makikita naman na nakasulat ang “Daniella at the Circus,” sa cake ni Dani.

 

 

Ayon pa sa hindi pinangalanang source ng ulat, “Hindi ko kaya maatim na sinabi ni Dani na wala siyang naging birthday celebration na kasama ang kanyang papa.”

 

 

Dahil dito ay biglang humingi ng paumanhin si Dani. Saad niya, “I apologize if I don’t remember him being at my 2nd birthday party… I honestly don’t even remember having a 2nd or a 3rd birthday party. For that, I apologize.”

 

 

Dinepensahan din naman ni Kier ang kanyang anak at sinabing maaaring hindi na nito naaalala iyon dahil dalawang taon pa lamng si Dani ng mga panahon na yun.

Ate Shawee, bumigay na, iniwan na ang mundo sa edad na 45

Binatang Ama, Pinabayaan ang Isang-Taong-Gulang na Anak Habang Nagpapakasarap sa Bagong Jowa!