in

Vin Abrenica tila may sagot sa pahayag ni Robin Padilla, “ch3ating is a choice”

 

Nagbigay ng kanyang pananaw si Vin Abrenica ukol sa mga lalaking hindi nakakaiwas sa tukso.

 

 

Sa panibagong vlog nina Sophie Albert at Vin Abrenica, tinanong ni Sophie ang future husband nito patungkol sa ch3ating.

 

 

Tanong ni Sophie, “Do you really believe that men can’t resist temptation if temptation is there?”

 

 

Medyo naging kontrobersyal lang sa netizens ang nasabing question dahil kapatid ni Vin si Aljur Abrenica.

 

 

Sagot naman ni Vin,“Lahat naman nate-tempt. Mayroon talagang temptations na nangyayari sa atin.” Matindi ang paniniwala ni Vin na kahit may tukso sa iyong palagid, kung hindi ka magpapatukso ay walang mangyayari. Dahil sa huli ito ay iyong desisyon.

 

 

“The statement na sinabi na hindi talaga makaka-resist ‘yong guy, I think that is unfair. Ang nakakalimutan ng statement na ‘yon is God gave us a choice and that’s his gift to humans, to man.”

 

 

Aniya, mas maganda kung mag-uusap muna ang mag-partner para magkaroon ng closure at mapagdesisyunan kung kailangan na talaga nilang maghiwalay.

 

 

Katuwiran ni Vin,

“Well, if it’s not working in the first place, kapag hindi mo nakukuha ang gusto mo, why would you get something from other girls, di ba?

 

 

Ang diskusyon na ito nina Vin at Sophie ay tila may kaugnayan sa kontrobersiyal na pahayag ni Robin Padilla sa isang interview.

 

 

Sinabi ito ni Robin nang kumpirmahin niyang hiwalay na ang kanyang anak na si Kylie Padilla at ang nakatatandang kapatid ni Vin na si Aljur Abrenica.

 

 

Paliwanag pa ng aktor, bawat isa sa atin ay mayroong choice sa kahit na anong sitwasyon.

Ani Vin, “Choose. At least you’re not gonna cheat but you’re gonna do what you want that can satisfy you.

“‘Yung pinakaano sa akin is you have a choice. you always have a choice.”

 

Marie Rodriguez: ‘Meron Bang Instance Sa Relasyon Natin Na Natukso Ka?

Ate Shawee, bumigay na, iniwan na ang mundo sa edad na 45