in

Daniel Padilla jojowain umano ng Kapuso actress na si Sanya Lopez

 

Hindi itinago ng Kapuso actress na si Sanya Lopez ang kaniyang paghanga sa Kapamilya actor na si Daniel Padilla.

 

 

Ito ang kanyang nasabi nang maguest siya sa vlog ni Allan Diones na kung saan sumabak siya sa jojowain o totropahin challenge.

 

 

Sabi ni Sanya nang mapunta kay Daniel Padilla: “Ang lakas ng dating ni Daniel, pang jowa siya. Pang jowa talaga siya,”

“Grabe yung sweetness niya kay Kath, parang pag naging girlfriend ka niya aalagaan ka niya ng sobra-sobra,”

 

 

Ikinuwento rin  ni Sanya ang kabaitan ni Daniel sa mga fans nito noong nakita niya ito sa mall.

 

 

“Nakita ko yan si Daniel one time sa isang mall, grabe siya kung paano sa mga tao talaga. Doon ko nakita na nasabi ko, ‘Ah, kaya siya Daniel Padilla’ it’s because kung paano siya makitungo sa talagang sumusuporta sa kanya,” kwento niya.

 

 

Minsan daw ay may nakita siyang isang matangkad na lalaki na may malakas na dating. Naka-cap lang at naglalakad galing sa sinehan.

 

 

Naging palaisipan sa dalaga kung sino ito hanggang sa may sumigaw ng pangalan nito at nakumpirma niyang si Daniel ang guy.

 

 

Pinagkaguluhan nga raw ang aktor ng mga fans kaya may mga guard na lumapit upang pigilan ang mga ito.

 

Ngunit sinabi raw ng aktor na hayaan lang ang mga fans at siya pa nga mismo ang kumuha ng cellphone para makipag-selfie sa mga supporters.

 

 

“Walang kaere-ere. Ito ‘yung mga nagugustuhan ko sa isang artista,” pag-amin ng dalaga.

Isa lang si Daniel sa listahan ni Sanya na “dyodyowain,” kasama rin sa listahan sina Gil Cuerva, Ivan Dorschner.

 

 

Kokoy de Santos, Joshua Garcia, Marco Gumabao, James Reid, at Atom Araullo.

 

AJ Raval nasermonan ng amang si Jeric Raval dahil sa suot nito habang nagka-car wash

Zeinab Harake hindi napigilan ang galit, namura ang lalaki na naghipo sa kanya sa isang event