in

Larawan na kuha sa second birthday ni Dani Barretto kasama ang amang si Kier Legaspi usap-usapan ngayon online

 

Usap-usapan pa din hanggang ngayon ang naging pahayag ni Dani Barretto laban sa amang si Kier Legaspi.

 

 

Ayon kay Dani wala siyang matandaang birthday celebration noong kabataan niya na nakasama ang kanyang estranged father.

 

 

Ito ang kanyang ibinahagi sa panayam niya sa vlog ni Dra. Vicki Belo.

 

 

Naghiwalay si Kier at ang ina ni Dani na si Marjorie Barretto noong 1993, taon ng kanyang kapanganakan.

 

 

Saad ni Dani, “I don’t think I actually celebrated a birthday with my dad. Growing up, that was actually a major frustration for me.

 

 

“Kasi siyempre, when you have friends, you see them at birthday parties, tapos may cake blowing, tapos complete family pag may birthday.

 

 

“I didn’t have that growing up. It wasn’t naman much of a bubog.”

Ngunit bigla na lamang may lumabas na litrato na kuha umano noong second birthday ni Dani.

 

 

Kung saan makikitang nandoon ang ama niyang si Kier.

Sa unang larawan, kitang karga-karga ni Kier si Dani sa party habang napaliligiran ng mga bisita.

 

 

Sa ikalawang larawan, makikita naman si Dani sa harap mismo ng kanyang birthday cake.

 

 

Makikita naman na nakasulat ang “Daniella at the Circus,” sa cake ni Dani.

 

 

Ayon pa sa hindi pinangalanang source ng ulat, “Hindi ko kaya maatim na sinabi ni Dani na wala siyang naging birthday celebration na kasama ang kanyang papa.”

 

 

Sa panayam naman ng GMA news kay Kier ay sinabi nitong natatandaan pa niya ang mga litrato. Kuha daw ito sa bahay nila noon sa Pasig.

 

 

Samantala, humingi naman ng dispensa si Dani dahil hindi raw niya iyon naalala.

Jericho Rosales lilipat na rin ba sa Kapuso? Old friend na ang tawag sa ABS-CBN

Tekla sa pakikipagbalikan sa ex na humantong sa Tulfo na si Michelle Banaag