in

Jericho Rosales lilipat na rin ba sa Kapuso? Old friend na ang tawag sa ABS-CBN

 

Tulad ng inaasahan ay binigyan ng kahulugan ang post ni Jericho Rosales kamakailan.

 

 

Nakaraang buwan ay nag-guest si Jericho sa Mars Pa More.

Sa birthday presentation ng mga host na sina Camille Prats at Iya Villania.

 

 

Mas close si Jericho kay Iya dahil ang asawa nitong si Drew Arellano ay kabilang sa kanilang riding team na Brad Pack.

 

 

Mukhang confirmed na nga raw na magiging next Kapuso si Jericho although naisulat ‘yon bilang blind item.

 

 

Minsan nang sinabi ni Jericho sa isang interview na pahinga raw muna siya sa paggawa ng mga teleserye.

 

 

Pero tila may sagot na dito ang aktor ng mag-post siya ng litrato sa kanyang Instagram story.

Makikita dito ang litrato ng ABS-CBN tower saad niya sa photo caption, “Hello, old friend (smiley).”

 

 

Samu’t-saring espekulasyon naman ang mga netizens ukol sa post na ito ni Jericho.

May ilang nagsabi na hindi iiwan ni Jericho ang Kapamilya ngunit may ilan namang nagsabi na old friend na ang ABS.

 

 

Dahil lilipat na umano ang aktor sa GMA-7.

Narito ang ilan sa komento ng netizens:

“Ay naku baka bumalik na si Echo Kapuso Network”

“old friend” is this mean may BAGO siya ?”

“Balik ka nalang ka sa eat bulaga,,MR.POGI”

“bka nga nabalik na kapuso… ayaw na dun sa kabila kapamilya walang pera”

“Ay slamt kala namin lumipat ka na rin idol”

 

 

Mahigit dalawang dekada na si Jericho sa Kapamilya network. Although nag-umpisa ang kanyang career sa GMA-7.

 

Nauna siyang nakilala sa MR.Pogi segment ng Eat Bulaga pero sa ABS-CBN mas lumago ang kanyang karera.

Bunsong anak ng beteranang aktres na si Cherie Gil agaw atensyon ngayon sa social media.

Larawan na kuha sa second birthday ni Dani Barretto kasama ang amang si Kier Legaspi usap-usapan ngayon online