in ,

AJ Raval nasermonan ng amang si Jeric Raval dahil sa suot nito habang nagka-car wash

 

Nagalit si Jeric Raval sa anak nitong si AJ Raval dahil kamison lamang ang suot nito habang naglilinis ng sasakyan.

 

 

Bilang ama, iniisip nila ang mga kapakanan ng kani-kanilang mga anak. Karamihan ay mga istrikto lalo na sa mga anak nilang babae.

 

 

At iyan ang ipinamalas ng action star na si Jeric Raval.

 

 

Sa ngayon ay maraming mga artista ang kanya-kanya nang upload sa kani-kanilang vlog sa Youtube.

 

 

Kung saan ibinabahagi nila ang ilang mga pangyayari o bagay sa kanilang personal na buhay sa likod ng camera.

 

 

Isa na nga sa mga artistang pinasok ang pagva-vlog ay si AJ Raval.

 

 

Kamakailan lang isang panibagong video na naman na tiyak kagigiliwan ng kanyang mga fans ang ibinahagi ng aktres.

 

 

Ito ay nang mag-car wash siya na isang manipis na kamison lamang ang kanyang suot.

 

 

Ang kanyang nilinis na sasakyan ay pick up na itim kaya medyo may kalakihan.

 

 

Sa umpisa ng kanyang video ay enjoy na enjoy ang dalaga sa paglilinis kahit hindi umano siya marunong.

 

 

Hindi niya alam kung paano uumpisahan pero unti-unti naman niyang nalilinis ito.

Habang nagka-car wash napakaseksi talagang suot ni AJ na talagang kita ang hubog ng kanyang katawan.

 

 

Nakaputi lang siya dress o tila kamiseta kaya naman ng mabasa ay bakat na ang kanyang panloob.

Kaya naman paglabas ng kanyang amang si Jeric Raval ay matinding sermon ang kanyang inabot.

 

 

Sinabi ng aktor na maglilinis lamang siya ng kotse ay ganun pa ang kanyang suot, literal na reaksyon lamang ng isang amang ayaw mabastos ang kanyang anak.

 

 

“Maglilinis ka lang, ganyan pa suot mo?! Tingnan mo oh, daming nakatingin,” saad nito.

Napakamot na lamang ng ulo si AJ at bigla na lamang nahiya.

 

 

Panoorin dito ang kanyang video:

Tekla sa pakikipagbalikan sa ex na humantong sa Tulfo na si Michelle Banaag

Daniel Padilla jojowain umano ng Kapuso actress na si Sanya Lopez