in ,

Sa kauna-unahang pagkakataon, China Roces ipinakilala na sa publiko ang kanyang anak na dalaga

 

Pormal nang ipinakilala ni China Roces ang kanyang anak na babae sa publiko.

 

 

Matapos magdiwang ng ika-14 taong kaarawan ng anak ni China Roces, pormal nang ipinakilala ng vlogger ang anak.

 

 

Nilinaw naman ni China na noong siya ay nanganak, pinili niya na isikreto ang tungkol dito.

 

 

Dahil madalas na nakakaranas ng diskriminasy0n ang mga batang ina at panghuhusga mula sa ibang tao.

 

 

Ayon sa kaniya, kung sinabi umano niya ang tungkol dito noon pa man, maaaring walang brand ang tatanggap sa kaniya bilang endorser.

 

 

Gayunpaman, hiling ni China na huwag sana siyang husgahan dahil mahal na mahal niya ang kanyang mga anak.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by China roces (@yourbabychina)

Hindi naman lihim sa publiko na si China ay dating modelo ng FHM Magazine.

 

 

Isa sa naging trabaho niya noon ay ang pagiging endorser at pagpapaseksi sa harap ng kamara.

 

 

Ibinahagi niya ring mag-uumpisa nang mag-vlog ang anak at hinimok niya ang mga followers na suportahan ang kanyang anak.

 

 

Kahit pa man nahihiya, sinabi ng anak ni China na siya ay handa na gumawa ng mga YouTube content katulad ng kaniyang ina.

 

 

Ayon kay China dahil sa ibang problema ay hindi rin sila nagkatuluyan ng tatay ng kanyang panganay.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by China roces (@yourbabychina)

 

Gayunpaman mahal na mahal daw niya ito at siya rin ang nagtuturo sa lahat ng pangangailangan nito.

 

 

Samantala, maraming netizens naman ang nagsasabi na napakaganda ng mag-ina at mukhang magkapatid lamang sila.

 

Kylie Padilla may cryptic post tungkol sa toxic generation, may patutsada din ukol sa pera

Bunsong anak ng beteranang aktres na si Cherie Gil agaw atensyon ngayon sa social media.