in

Kylie Padilla may cryptic post tungkol sa toxic generation, may patutsada din ukol sa pera

 

Kasunod ng balitang paghihiwalay nila ng mister na si Aljur Abrenica, may makahulugang post si Kylie Padilla.

 

 

“BREAK that effing toxic generational pattern/curse,” saad ni Kylie sa kanyang caption.

 

 

Ito ay litrato niya na nagpapakita ng suot niyang kwintas. At tila may kasama pang hugot tungkol sa usaping pera.

 

 

Ngunit kalaunan ay binura din ng aktres ang post niya tungkol dito.

Bukod dito, mayroon ring Instagram story ang aktres tungkol sa pagiging financially independent ng kababaihan.

 

 

Ibinahagi ng aktres ang artcard kung saan may isang quote mula kay Priyanka Chopra tungkol sa payo ng kanyang ina.

 

 

“My mom always says that when a woman is financially independent, she has the ability to live life on her own terms. I think that was the soundest advice that I ever got,” laman ng artcard.

 

 

Samantala, sa isa pang post ni Kylie ay ipinahiwatig niya kaniyang katatagan sa harap ng pinagdadaan pagsubok sa buhay.

 

 

Sinasabing may third party na sangkot sa paghihiwalay ng mag-asawa pero kapwa tahimik sa naturang espekulasyon sina Kylie at Aljur.

 

 

“In the end the best thing to do is not to blame anyone for the things that happened BUT to observe where you could have done better,” sabi ni Kylie sa caption.

 

 

Patuloy ng aktres, “Life is about growth. Silence the noise and make the best out of life.”

 

 

Sa pagtatapos sa naturang caption, sinabi ni Kylie na, “I’m happy, I’m healthy, I’m alive. I’m hoping the same for you.”

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by KYLIE (@kylienicolepadilla)

May ilang netizens naman na mas humanga pa sa aktres sa pagiging matapang nito sa kabila ng mga pinagdaraanang pagsubok.

Jennica Garcia hindi na nakapagpigil, pinatulan na ang isang “Marites” sa social media

Sa kauna-unahang pagkakataon, China Roces ipinakilala na sa publiko ang kanyang anak na dalaga