in , ,

BALIKAN NA BA? Muling pagsasama tratuhan ni Toni Fowler at Rob Moya sa vlog, labis na ginulat ang mga netizens

Napakamot ulo na lang ang mga netizens matapos ibahagi ni ng social media influencer na si Toni Fowler ang muling pagkikita nila ng dating partner na si Rob Moya.

Sa kanyang latest Youtube vlog, binigla ni Toni ang kanyang mga followers nang makitang kasama si Rob sa kanyang video.

Matatandaan na nito lang mga nakalipas na buwan ay naging kontrobersyal ang dating magpartner ng kumalat sa social media ang kanilang paghihiwalay. Maraming masasakit na salita ang ibinato nila sa isa’t isa.

Maraming akusasyon kaugnay ng pera di umano na ninakaw ni Rob at nagkaron pa ng bantang demandahan. Umabot rin sa programa ni sir Raffy Tulfo ang issue ng dalawa kaya lubos na naging usap usapan sa social media.

Makalipas nga ang ilang linggong pananahimik ng dalawa, nabigla na lang ang marami ng mag-upload si Toni ng bagong vlog na may title na, “Muling Pagkikita” sa kanyang YouTube channel.

Ayon kay Toni, kinausap niya ang EX na ngayo’y FRIEND na si Rob para magkita sila dahil sa ang kanilang aso na kamakailan ay nagkasakit.

“Se-set aside muna namin lahat ng mga issues, alam niyo naman naging matindi talaga yung gulo namin,”

Nang dumating si Rob sa lugar na iyon, natigilan ang mga netizen nang makita ang dalawa na in good terms, at tila walang nangyaring eskandalo sa pagitan nila.

“Para lang alam niyo guys kung bakit parang medyo normal kami after all ng mga naging sh*ts sa social media, nakapagusap talaga kami ni Rob,”

Sa isang punto, pabiro pa ring tinanong ni Rob si Toni,

“Ako? Mahal mo pa ba?” to which Toni replied, “Hindi naman mawawala yun, pero wala na tayong pagasa.”

Matapos ang pagbisita nila sa Vet, nagkasundo ang dalawa na kumain sa labas upang pag usapan ang magiging set up nila sa kanilang mga alaga.

Ok na kaya ang dalawa? Ano sa tingin niyo?

Lyca Gairanod, Nagbigay Tulong Sa Lolang Kasabay Niya Noon Mangalakal ng Basura

Jennica Garcia hindi na nakapagpigil, pinatulan na ang isang “Marites” sa social media