in

Kilalanin si Sandro Muhlach, ang panganay na anak ni Niño Muhlach na ngayon ay binata na

 

Panganay na anak ni Niño Muhlach pinasok na din ang showbiz!

Si Sandro Muhlach ang pinakabagong Kapuso artist ngayon.

 

 

Nakilala siya hindi lang bilang anak ng dating child wonder kundi dahil sa angkin din niyang talento.

 

 

Bukod sa napakagwapo ng anak ni Niño Muhlach na si Sandro Muhlach ay may potensyal pa ang batang ito na makilala o magkaroon ng magandang trabaho dahil hindi lamang looks ang namana niya sa kaniyang Ama dahil na rin ito sa galing at sipag niya.

 

 

Nagsimula si Sandro na umarte sa teatro noong siya ay 13-years old pa lamang. Marunong din siyang kumata, sumayaw, at tumugtog ng gitara.

 

 

Sa likod naman ng kamara ay hilig ni Sandro ang maglaro ng basketball at mag-scuba diving kasama ang kanyang ama.

 

 

Kamakailan lamang ay nagtapos na ng senior high school si Sandro, kaya naman isang mamahaling regalo ang kanyang natanggap mula sa ama.

 

 

Niregaluhan siya nito ng isang brand new Cool Ray (Geely) car. Ayon kay Niño, last year pa sana niyang balak bigyan ng sasakyan si Sandro on his 18th birthday.

 

 

Pero hinintay niya munang grumadweyt ito ng high school.

Halos maiyak sa tuwa si Sandro nang makita niya ang kakaibang birthday and graduation gift sa kanya at hindi niya napigilang yakapin ito nang mahigpit.

 

 

Gusto rin ni Sandro sumubok sa TV at pelikula just like his dad at young (half) sibling na si Alonzo.

 

 

Pero mananatiling priority sa kanya ang kanyang pag-aaral.

 

 

Sa pasukan ay college na siya at sa De La Salle University – Taft siya mag-aaral ng Business Management.

Isabelle Daza umani ng papuri sa ginawa niyang kontrata para sa kanyang mga kasambahay

Kakaibang Wedding, Bride nagpagupit sa kalagitnaan ng event ng kanilang kasal