in

Andrea Torres aminadong nakikipag-date na, handa nga bang umibig muli?

 

Nasa dating stage na ang estado ngayon ng lovelife ng Kapuso actress na si Andrea Torres.

Sa kabila ng kontrobersyal na paghihiwalay nila ni Derek Ramsay, naniniwala pa rin si Andres sa true love.

 

 

Mukhang hindi naman siya na-trauma sa naging experience niya kay Derek.

 

 

Sa nakaraang virtual mediacon ng GMA para sa muli niyang pagpirma ng kontrata sa network, natanong ang aktres kung kumusta na ang lagay ng kanyang puso.

 

 

“Super happy” ang tugon ni Andrea, “Kasi super busy po ngayong year. Hiniling ko rin naman talaga, so na-excite po ako. Na-excite ako sa mga gagawin ko this year.”

 

 

May iniuugnay kasi sa kanyang foreign billionaire sa mga gossip sites, pero paglilinaw ni Andrea, fake news ang mga ito.

 

 

Sabi ni Andrea, “Hindi ko rin alam kung saan siya galing.

“Naka-focus lang ako sa work. Ever since talaga natapos yung ano, yung lockdown natin, talagang since September [2020], iyon, nagwo-work na ako.

“So, wala pa naman.”

 

 

Sa isang panayam naman, nabanggit ni Andrea na nakikipag-date naman siya ngayon at nais daw muna niya itong kilalaning mabuti bago pumasok sa panibagong relasyon.

 

 

Natanong din siya kung naisip ba niyang iwan ang GMA at lumipat sa ibang istasyon, “Ako, honestly, hindi talaga. Kasi, grabe yung ibinibigay nila sa aking pag-aalaga and guidance.

 

 

“And minsan nga, hindi na yun kasama sa trabaho nila bilang boss or bilang network, pero ibinibigay pa rin nila sa ‘yo. Kaya rin siguro du’n nanggagaling yung parang mas nagiging humble ka.

 

 

“Kasi nga, may mga bagay na grabe, ginagawa pa nila for you kahit na sa tutuusin, pwedeng hindi na,” sabi pa ni Andrea.

 

 

Sa kabila ng kanyang failed relationships, hindi naapektuhan ang views niya tungkol sa relationships.

8 magkakapatid na naulila sa ama at inabandona pa ng sariling ina, binigyan si Idol Raffy ng bahay at lupa

Lyca Gairanod, Nagbigay Tulong Sa Lolang Kasabay Niya Noon Mangalakal ng Basura