in , ,

8 magkakapatid na naulila sa ama at inabandona pa ng sariling ina, binigyan si Idol Raffy ng bahay at lupa

Nang dahil sa na nagviral na larawan ng isang batang tatlong taong gulang na tila masarap na natutulog lamang ang namayapang ama.

Ang mga kaawa-awang bata na nagluluksa sa pagkawala ng kanilang ama ay mapalad na hinandugan ng tulong ng programa ni Raffy Tulfo.

Binigyan ang mga batang maagang naulila ng Php 50,000 ni Idol Raffy para sa kanilang pangangailangan sa pang araw-araw.

At mas lalo pang naantig ang damdamin ni Raffy nung malaman na hindi lang sila nawalan ng ama, iniwan rin sila ng kanilang sariling ina.

Kaya naman, hindi na nagdalawang isip si Idol Raffy na lalo pang tulungan ang mga ito na sa mura nilang edad at kaisipan ay naranasan na ang ganitong masaklap na sitwasyon.

 

Lubos din naawa ang mga netizens sa sinapit ng mga magkakapatid kaya naman nagbigay din sila ng mga suhistiyon na bakit hindi na lamang bigyan ng lupa at patayuan ng bahay ang magkakapatid.

Dahil sa dinaranas na hinagpis at kalungkutan ng walong magkakapatid, ngayon ay mas kailangan nila ng pang unawa at tulong.

At hindi naman na disappoint ang mga taga subaysaby ni sir Raffy dahil sa kanyang programa, nakausap niya ang butihing alkalde ng Oroquieta City, Misamis Occidental na si Mayor Lemuel Mayrick Acosta.

Ayon sa pag-uusap nila Idol Raffy at Mayor Lemuel, nakapagkasunduan ng dalawa na ang alkalde na ang mag-aasikaso sa lupang pagtatayuan ng bahay para sa mga batang naulila. Ang gagastusin naman sa itatayong bahay at sagot na ni Idol Raffy.

Bago pa man matuklasan ni Idol Raffy ang kwento ng magkakapatid, nasa pangangalaga ang mga itio ng DSWD. Kung hindi dahil sa post ng concerned citizen na si Mercilita Babao Itom sa social media, hindi ito aabot kay Idol Raffy na siyang naging daan upang mapansin ang kalagayan ng magkakapaid.

Ngayong mayroon na silang sariling bahay, ang kanilang nakakatandang kapatid ang magtatagayod sa 4 pang nakakabatang kapatid. Ang mahalaga ngayon ay mayroon na silang sariling tahanan na kanilang masisilungan na lubos nilang ipinagpapasalamat.

Sa kabila nito, hindi naman napigilan ni Idol Raffy ang emosyon at nakapagbitiw ng salita laban sa ina ng magkakapatid na naulila. Ayon sa kanya, huwag na huwag raw niyang babalikan ang mga anak kung sakaling maipatayo na ang bahay para sa kanila at kung dumating sa oras na maging maayos na ang kanilang buhay.

Mapait man ang sinapit ng mga batang ito, laking pasasalamat pa rin nila sa Diyos na dahil sa kabila ng dumating na pagsubok sa murang edad ay may mga tao paring handa tumulong para sa kanilang kinabukasan.

 

Kakaibang Wedding, Bride nagpagupit sa kalagitnaan ng event ng kanilang kasal

Andrea Torres aminadong nakikipag-date na, handa nga bang umibig muli?