Pinapurihan ng maraming netizens ang aktres na si Isabelle Daza. Ito ay dahil sa ginawa niyang kontrata para sa kanilang mga kasambahay.
Gaya raw ng kanyang ina na si Gloria Diaz, tinuturing din ni Isabelle ang kanyang mga kasambahay.
Bilang importanteng bahagi ng kanyang sambahayan o pamamahay
At para raw masigurado ang long-term relationship niya sa kanyang mga kasambahay ay gumawa ang aktres ng detalyadong kontrata sa kanila.
Kung saan nakapaloob ang lahat ng benefits at responsibilidad ng kanyang mga kasambahay.
Aniya, “So I decided to create a contract for my helpers at home to show their job description and their rights as an employee.”
May karapatang mag-break ang mga ito sa loob ng walong oras nilang trabaho bilang “labandera” at “tagalinis.”
Binigyan ng pagkakataon ni Isabelle ang mga ito na magkaroon ng mga benepisyong gaya ng mga nagtatrabaho sa mga kumpanya.
Kabilang ang pagkakaroon ng iba’t ibang benepisyo gaya ng sa SSS, PhilHealth, at Home Development Fund o Pag-IBIG.
Mayroon ding leave credits ang kanyang mga kasambahay base sa napagkasunduan at pirmado nilang mga kontrata.
Ibinahagi ni Isabelle ang isa pang paraan para mapabuti ang pagsasama nila.
Kada buwan ay mayroon siyang evalution na natatanggap mula sa mga tumutulong sa kanya sa bahay.
Bahagi ng evaluation ang mga bagay na nakapagpapasaya sa mga ito, sa mga pinakakinaiinisan nila kay Isabelle at marami pang iba.
At nakasulat din daw na ang naturang ‘clause on confidentiality ay hanggang pagkatapos ng employment nila sa kanya.
Meron din silang day off at sick leave. Pero ayon sa kontrata, hindi pwedeng mag-advance sa kanilang sweldo ang mga ito kund hindi naman “emergency.”