in

Ynez Veneracion ibinahagi ang kanyang pagbubuntis sa pangalawang pagkakataon sa edad na 40

 

Ibinahagi kamakailan ng dating se’xy star na si Ynez Veneracion na buntis siya sa kanyang second baby.

 

 

Literal na talbog ni Ynez Veneracion ang mga kapanabayan niya noon. Imagine at her age, 40 years old, buntis uli siya.

 

 

At all over social media ang kanyang maternity shoot na may ala-Darna ang concept.

 

 

Ito ay ibinahagi ng aktres sa kanyang social media accounts kung saan inanunsiyo niya na apat na linggo na lamang ay isisilang na niya ang kanyang pangalawang anak.

 

 

Saad nito sa kanyang caption, “My very first maternity photo shoot. I really can’t wait to meet our new addition to the fam in just 4 weeks!”

 

 

“I have mixed emotions and Im humbly asking a little prayer for my safety delivery. Thank u guys in advance & God bless us all!” dagdag pa niya.

 

 

Pinasalamatan din niya ang mga taong tumulong sa kanya para sa napakagandang maternity photoshoot.

 

Sa huli ay pinasalamatan naman ni Ynez ang kanyang panganay na anak na tinawag niya pang prinsesa.

 

 

“Lastly, to my beloved daughter Princess Keilah Del Rosario. Thank u my love for being such a sweet, understanding & lovable ate. I’m so proud of you!”

 

 

Si Keilah ay anak ni Ynez sa dati niyang karelasyon na si Maguindanao Governor Toto Mangudadatu.

 

 

Pandemic baby daw maituturing ang pinagbubuntis ngayon ng aktres,nalaman ni Ynez na buntis siya noong Disyembre 2020.

 

 

First baby niya ito with her non-showbiz boyfriend na si Bryan Julius Recto na mas bata sa kanya ng labingtatlong taon.

Vic Sotto, di na napigilan, sumagot na tungkol sa kumakalat na balita sa kanila ni Julia Clarete

Kyla, emosyonal na ibinahagi na nakunan siyang muli sa ikatlong pagkakataon