in

Kyla, emosyonal na ibinahagi na nakunan siyang muli sa ikatlong pagkakataon

 

Nabahiran ng lungkot ang kasalukuyan sanang pagbubuntis ng R&B singer-songwriter na si Kyla Alvarez.

 

 

Sa kanyang Instagram post ay ibinahagi ni Kyla na sa ikatlong pagkakataon ay nakunan siyang muli.

 

 

Aniya, nadurog nanamang muli ang kanyang puso ng dahil sa napakalungkot na balitang ito.

“My heart is br0ken in levels deeper than you may ever have imagined,” panimula ni Kyla.

 

 

Dagdag pa niya, “Our little angel, please watch over me, your Daddy, and Kuya Toby. Send our hugs and kisses to your 2 siblings in heaven. We love you, our Millie.”

 

 

Kalakip nito ay ang black and white na litrato na makikita ang kanyang baby bump at kasama ang kanyang anak na si Toby.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by KYLA (@kylaalvarez)

Kanya-kanya naman paabot ng virtual hugs ang mga kaibigan ng mag-asawa.

“I’m so sorry to hear praying for strength and good health for you kyla,” komento ni beauty queen MJ Lastimosa.

“Ky….. I wish I can give you a hug. Knowing I am praying for you. Keep swimming,” say ni Anna Fegi.

 

 

Dasal naman ang ipinaabot ni Mark Bautista: “Sorry to hear that Ky. Praying for you and your family.”

“Sending virtual hugs and prayers to you @kylaalvarez,” komento ni Amy Perez.

“Hugs, at Love u Kyla. Sending all my love,” naman ang komento ng mag-inang Zsa Zsa Padilla at Karylle.

 

 

Tanong 2013 nang isilang ni Kyla ang unang anak nila ni Rich Alvarez na si Toby Elsiah. Noong 2018 naman nang magkasunod na nakunan si Kyla.

 

 

Despite that, humiling pa rin siyang mabigyan sana ng kapatid si Toby.

 

 

At sa ikatlong pagkakataon ay muli siyang nabigo.

Ynez Veneracion ibinahagi ang kanyang pagbubuntis sa pangalawang pagkakataon sa edad na 40

Isabelle Daza umani ng papuri sa ginawa niyang kontrata para sa kanyang mga kasambahay