in , ,

Mga fans sobrang nag-alala! Robin Padilla muntik ng mategi dahil sa simpleng pagkakamali sa kanilang tahanan

Isang aksidente ang nangyari sa tahanan ni Robin Padilla na muntik nang ikasaw! ng aktor.

Ito ay nangyari habang inaayos ni Robin ang sirang kable ng kanilang water pump sa swimming pool at filter na naging sanhi ng panghihina ng buong katawan ni Robin ayon sa kanyang asawang si Mariel. Naganap ito sa loob ng kanilang tahanan.

Ibinahagi ng aktor sa kanyang social media account ang nakakatakot na pangyayaring ito.

“Kwento ko lang ang umaga ko mga kapanalig. Alhamdulillah hindi pa ako binisita ni angel Azrael.

“Magmula nong lockdown kami kami na lang ang gumagalaw dito sa Palais de Tres Marias kapag may maintenance problem hanggat kaya ng aming pag intindi dahil last option sa amin ang taga labas malaki ang takot namin na mahawa ang mga bata sa virus covid 19.”

“Nagkadiperensya ang main water pump and filter ng swimming pool namin kaya gumagamit ako ng submersible pump para umikot ang cycle ng tubig at hindi magstagnant ang nasa malalim.

“Araw araw hanggang gabi manual ko lang ginagawa ang paglipat ng pump at pagbuga ng tubig paikot ng swimming pool. Ngayon umaga na ito naiba lahat ang ganap.”

” Pag check ko ng wire hiwa ito at nakasilip na ang negative, positive at ground wire. Allah hu akbar, kung nagkataon na nagpabaya ako at basta na lamang inilipat ang pump at maiplug sa kuryente sabay lusong ako sa tubig…. Yun!!! The end sigurado ako, goodbye Philippines!”

Pasalamat na lang din ni Robin dahil nakasanayan na niyang mgsafety check sa mga wirings bago lumusong sa swimming pool

“Alhamdulillah naging routine ko ang mag check ng wire bago lumusong sa tubig kasama yun pump kasi yun ang palaging paalala ng aking guardian angel sa isip ko bago matulog at pagkagising na kahit na waterproof at guaranteed safe ang pump always check the wire dahil kuryente at tubig hindi dapat biruin.

“Alhamdulillah it is a blessed day for me Allah hu akbar, nakapanghihina pala ang mga ganitong ganap ma shaa Allah mapapaisip ka rin at matitigilan, paano nga kaya kung hindi ako nag check? Astigfirullah Astigfirullah Astigfirullah.”

Labis na nag alala di lang pamilya ni Robin maski ang kanyang fans sa malaking panganib na kinaharap nito. Narito ang buong post ng aktor.

 

View this post on Instagram

 

Bismillah Kwento ko lang ang umaga ko mga kapanalig Alhamdulillah hindi pa ako binisita ni angel Azrael. Magmula nong lockdown kami kami na lang ang gumgalaw dito sa palais de tres marias kapag May maintenance problem hanggat kaya ng aming pagintindi dahil last option sa amin ang taga labas malaki ang takot namin na mahawa ang mga bata sa virus covid 19. Nagkadiperensya ang main water pump and filter ng swimming pool namin kaya gumagamit ako ng submersible pump para umikot ang cycle nang tubig at hindi magstagnant ang nasa malalim. Araw araw hanggang gabi manual ko lang ginagawa ang paglipat ng pump at pagbuga ng tubig paikot ng swimming pool. Ngayon umaga na ito naiba lahat ang ganap, pag check ko ng wire hiwa ito at nakasilip na ang negative, postive at ground wire Allah hu akbar kung nagkataon na nagpabaya ako at basta na lamang inilipat ang pump at maiplug sa kuryente sabay lusong ako sa tubig…. Yun!!! the end sigurado ako goodbye Philippines! Alhamdulillah naging routine ko ang mag check ng wire bago lumusong sa tubig kasama yun pump kasi yun ang palaging paalala ng aking guardian angel sa isip ko bago matulog at pagkagising na kahit na waterproof at guaranteed safe ang pump always check the wire dahil kuryente at tubig hindi dapat biruin. Alhamdulillah it is a blessed day for me Allah hu akbar nakapanghihina pala ang mga ganitong ganap ma shaa Allah mapapaisip ka rin at matitigilan Paano nga kaya kung hindi ako nag check? Astigfirullah Astigfirullah Astigfirullah

A post shared by robin padilla (@robinhoodpadilla) on

Minsan akala natin porke nasa sariling tahanan tayo ay ligtas na tayo parati. Hindi mo rin talaga masabi ang mga mangyayari. Kaya dapat ay maging maingat tayo saan man at ano mang oras.

Isang ama, sinamahan maglaro ang anak na may taning sa hukay na kanyang ginawa para dito

Vic Sotto, di na napigilan, sumagot na tungkol sa kumakalat na balita sa kanila ni Julia Clarete