in , ,

Isang ama, sinamahan maglaro ang anak na may taning sa hukay na kanyang ginawa para dito

Walang magulang ang hindi naghahangad na maging masaya ang kanilang mga anak. Lahat ay ating para sa kabutihan at mabigyan sila ng magandang kinabukasan.

Ang isang magulang ay handa mag sakripsyo para sa kanilang kapakanan.

Lalo na sa mga panahong may karamdaman ang mating mga anak. Puyat, pagod, gutom, kayang tiisin ng magulang. Mas mahirap pa kung kapos sa pinansyal. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, nakakagawa parin ng paraan ang mga magulang upang tugunan ang pangangailangan ng anak.

Subalit, may mga pangyayaring hindi natin hangad, at masasabing marahil pinaka masakit para sa isang magulang. Ito ay ang mauna pa silang mawala kesa sa atin.

 

 

Kagaya na lamang ng nakakalungkot na kwentong ito. Sa maikling panahon na nakasama nila ang kanilang anak ay agad ring babawiin.

 

Dahil dito, binunuhos ng isang ama ang bawat araw sa piling ng bata. kasabay nito, ay ang paghahanda ng kanilang mga sarili sa oras na lilisan na ang kanilang anak.

Kaya naman walang araw ang isang ama na ito na hindi sinusulit nakikipag laro ito sa anak kung saan ito gumawa ng hukay para sa anak na may taning na ang buhay.

Ito ang kwento ng amang Chinese na si Zhang Li Yong na kung saan ay inihanda na nito ang magsisilbing libingan ng kanyang anak na si Zhang Xin Lei na edad dalawa at kalahating taon.

Noong si baby Zhang ay dalawang buwan pa lamang ay nakitaan na agad ng malubhang karamdaman sa dugo. Nagmula ito sa Thalessemia na ginawang hindi normal ang hemoglobin sa kanyang katawan.

Masakit man para sa isang ama na mawalan ng pag asa, inihanda na nito ang libingan ng anak dahil sa ano mang oras ay maari na itong mawalan ng buhay at bawiin ng Maykapal.

Kaya naging handa na ang ama ni baby Zhang sa posibleng mangyari naghukay ito na may saktong kalaliman para sa kanyang anak.

Madalas na naglalaro ang mag-ama sa hukay na ito, tila paghahanda narin kung sakaling ihihimlay na ang bata dito. Anjan yung hihiga sila pareho, magkatabi sa hukay.

Kung iisipin, napakasakit nito para sa kanya, pero nagsisilbi narin paghahanda ng kanyang kalooban ang paglalarong ito.

Bilang isang magulang, wala tayong hindi kayang gawin para sa ating mga anak. Ngunit kung ito ay kaloob naman ng Maykapal, sino ba naman tayo para magreklamo.

Tama ang ginawa ng ama, na ibuhos na lamang ang lahat ng kanyang oras at panahon para makapiling ang anak sa mga nalalabing oras nito.

Kayo po bilang magulang, magagawa niyo rin bang ihanda ng hukay gaya nito para sa inyong mga anak?

Sa kasagsagan nang pangungulila, Mister natagpuan ang lihim na liham na nakatago sa cp ng yum4ong asawa

Mga fans sobrang nag-alala! Robin Padilla muntik ng mategi dahil sa simpleng pagkakamali sa kanilang tahanan