in ,

Batang umorder ng pizza, kulang ang baryang pambayad, nilibre na lang ng rider matapos malaman ang nakakalungkot na dahilan nito

Nang lumaganap ang pand3mya maraming bansa ang sumailalim sa iba’t ibang lockdown. Dahil dito, hindi makalabas ang mga tao upang bumili nang kanilang mga pangangailangan gaya ng pagkain.

Kaya naman lubos na naging patok ang mga food delivery app kung saan maaari ka parin makakakin ng mga nais mong pagkain sa paborito mong restaurants nang hindi lumalabas ng bahay.

Isa na dito ang kilalang FoodbPanda at Grabfood. Sa patuloy na pagsugpo sa pand3mya, ang ganitong sistema ay naging malaking tulong para sa mga tao para maiwasan ang pag labas ng kani-kanilang bahay para pumunta sa mga lugar na nais nilang puntahan.

Sa bansang Malaysia, isang booking ang natanggap ni Faiz Rosman upang kanyang ideliver. Makalipas ang ilang minuto na hatid naman niya ng maayos ang pagkain ngunit laking gulat nito ng makita ang taong umorder sa kanya ng pizza.

Isang bata at tanging ang pera nitong pang bayad ay puro barya na nakabalot sa isang supot.

Karamihan sa napag hatiran nitong orders ay saktuhan lang ang halaga kaya’t nag alinlangan si Faiz. Ang  halaga ng inorder ng bata ay umabot sa RM28.5 o tinatayang nasa tatlong-daan at tatlumpung-walong pisa (P338).

Sa unang tingin ni Faiz ay mukhang hindi aabot ang pera ng bata, kaya naman agad niya itong binilinan na bilangin muna ang perang nasa supot at imessage siya ulit kapag ito ay nabilang na niya. Matapos bilangin ng bata ang kaniyang naipong mga barya ay minessage niya nga si Faiz, at doon niya nalaman nasa 213.75 pesos lang ang inabot ng kanyang baryang naipon.

Pinayuhan naman ni Faiz ang bata na kulang ang kanyang pera ngunit nagmakaawa ang bata sa kanya. Naisipan naman ni Faiz na tanungin kung bakit ayaw ng bata na humingi ng pera sa magulang. Bandang huli nakaramdam ito ng awa ng sagutin ng bata ang tanong nya.

“I was scared to tell my father. I just wanted to try the pizza for the first time.” Nang mabasa ito ni Fiaz ay naawa ito sa bata kaya naman napagpasyahan niyang ilibre na lamang ang bata ng pizza dahil ngayon lang ito makakain ng pizza sa buong buhay niya.

Sinabihan din niya ang bata na ang ginawa nito ay panloloko sa kapwa at ito ay masamang gawain. Humingi naman ng tawad ang bata sa kaniyang nagawa at nangako na hindi na niya ito uulitin.

 

 

Isang ina, napilitang pumili kung sino sa dalawang anak ang isasalba ang buhay sa ospital

Motoristang estudyante nakadale ng bisikletang may halagang P458,000 – reaksyon ng may-ari ikinabigla ng mga netizens