in , ,

Lagi siyang pinagkakamalang magnanakaw dahil sa itsura, pero mas pinili parin niyang maging mabuting ama sa mga anak

Maswerte ka nang matatawag kung may maayos kang natutulugan at inuuwian kasama ang buong pamilya. Subalit sa kabila ng mga tinatamasa, marami parin sa atin ang madalas na maririnig mong nagrereklamo sa buhay.

Pero naisip mo ba kung ano ang buhay ng iba nating mga kababayan na sa kalsada lamang naninirahan at halos walang makain araw araw?


Marahil ay madalas kang nakakakita ng pamilya na nainirahan sa tabi ng kalsada gamit lamang ang kariton. Malamang sa unang tingin mo pa lang ay kakaawaan mo na sila lalo na’t may mga anak silang maliliit. Pero hindi lahat ng nakakakita sa kanila ay nag aatubiling lapitan o kamustahin man lang sila.

Isang vlogger ang walang pag aalinlangang lumapit sa mag-aamang natagpuan lamang niya sa gilid ng kalsada sa kahabaan ng Makati City. Sa Makati kung saan maraming dumaraan na sabihin na nating mas nakaangat kaysa sa kanila.

Ang videong inupload ni Denso Tambyahero sa kanyang Youtube account ay siguradong kukurot sa puso ng mga manonood.

Nakita ni Denso ang mag-amang ito sa gilid ng Dela Rosa Street sa Makati City. Bago pa man lapitan ng vlogger na ito ang mag-aama, natanaw na niyang may isang mabait na food delivery rider ang huminto sa kanila at nag abot ng pagkain na siya naman pinagsaluhan ng mag-aama.

Unang ginagawa ni Denso ay kinamusta niya ang buhay ng mag-amang, nakilala niya bilang si Johnny. Kasama ni Johnny ang kanyang dalawang maliliit na anak. Kwento ni Johnny, iniwan na sila ng kanyang asawa kaya siya na lamang ang solong nagtataguyod sa mga anak.

Kwento ni Johhny, nais niyang mangupahan ng maliit na tahanan upang komportableng makatulog ang kanyang mga anak. Ngunit ang nakakalungkot dito, wala daw nagtitiwala sa kanya. Inaakala daw ng marami ay isa daw siyang balasubas at magnanakaw. Ito rin ang dahilan kung kaya’t hirap din siyang makakuha ng maayos na trabaho.

Tanging pangangalakal na lamang ang kanyang ginagawa upang mapunan ang nagugutom na sikmura ng kanyang pamilya. Nakikisilong lamang sila sa labas ng isang convinience store kapag umuulan.

Kahit na si Johnny ay hirap na hirap sa araw-araw nilang pamumuhay, masasabi din niyang masaya parin ang kanilang kalagayan at nawawala ang kanyang pagod dahil sa kanyang mga anak. Sinabi din niyang sinisikap niyang makapag ipon para sa pag-aaral ng mga anak kahit hanggang high school man lang daw ay igagapang niya ang mga ito.

Masakit at mahirap man kay Johnny ang kanilang pinagdadaanan, bilang ama positibo parin itong naniniwala sa kanyang sarili at kinakayang maibigay ang needs ng mga anak.

Kaya naman, labis ng humanga si Denso sa amang ito at agad din nag abot ng kaunting tulong sa mag-aama. Sabi ni Johnny ang perang itinulong sa kanila ay ibibili niya ng mga pagkain, gamit at laruan ng mga anak. Nais rin niyang ipuhunan ang matitira upang maitinda sa kalsada.

Pinatunayan lang ni Johnny, na hindi sukatan ang katayuan sa buhay upang tawagin na dakila at responsableng ama. Mahirap man maging solo parent lalo sa kalagayan nila, naninindigan siyang mabuti siyang tao at mali ang iniisip ng marami sa kanya na masama siyang tao.

Para sa mga makakabasa at makakanood, maging aral sa atin na huwag tayo basta manghusga ng kapwa base lamang sa nakikita nating katayuan nila sa buhay. Hindi natin alam ang kwento ng kanilang buhay.

 

Mga nabigyan ng bahay sa Basecommunity may reklamo pa din kay Yorme

Pinagtatawanan siya dahil sa pamumulot ng mga lumang gulong, di nila alam kung gaano kalaki ang kinikita nito dahil sa basurang ito