in ,

Pinagtatawanan siya dahil sa pamumulot ng mga lumang gulong, di nila alam kung gaano kalaki ang kinikita nito dahil sa basurang ito

Sa panahon ngayon mas kailangan na ng tao ang sariling diskarte upang kumita ng pera na pang tustos sa pang araw-araw upang mabuhay.

Maswerte ka nalang kung ikaw ay pinanganak sa mundo na mayroong gintong kutsara na hindi problema ang kakainin sa isang araw at mayroong komportableng buhay.

Kung dati man, marami ang natatawa sa mga taong namumulot ng basura, sa mga taong ginawa ng hanap buhay ang pangangalakal ng mga basura ng ibang tao na itinatak na sa isip nila na ang maduming basura ay katumbas nito ay malinis na pera at dignidad.

Na ang iba man ay tingin sa mga basura o gamit na sira ay wala ng pakinabang ngunit para sa ibang tao na mahihirap ang mga gamit na ito ang kanilang ‘life saver’.

Pinatunayan ito ng isang lalaki na nag gagawa ng tinatawag na “Tire Sandals” o sa alam natin na tawag na tsinelas.

Ang mga gulong na napaglumaan ng mga sasakyan ay kinukuha nito para sa kanyang proyekto.

Ang mga gulong ay isa mga nakapa importante sa mga sasakyan bukod sa maintenance ng buong sasakyan ay kailangan din itong palitan kung sakali luma na o butas na.

Ngunit para sa lalaking ito ang mga patapon na mga bagay katulad na lamang ng gulong ay maari pang pagkakitaan katulad na lamang ng kanyang nadiskurbre na pag gawa ng tsinelas gamit ang mga lumang gulong na lingid pang mas matibay kumpara sa mga branded na mabibili sa iba’t ibang malls.

Napagalaman, na ang lalaking ito ay nagmula sa bansang kenya at bandang silangan ng Africa nagsimula ang ganitong klase ng tsinelas na gawa lamang gamit ang kanilang mga kamay.

Talaga namang makakasigurado kang matibay at kalidad ang mga tsinelas na ito dahil ang mga materyales na kanilang ginagamit ay ang sikat na sikat na “Ten Thousand Milers” na kayang kaya umabot ng milya milyang lakaran.

Bukod pa nga dito, isa itong magandang pamamaraan upang mabawasan ang polusyon o mga basura sa daan na imbis sunugin ang mga lumang gulong ay maari pa itong pagkakitaan ng mga mahihirap na tao.

Lagi siyang pinagkakamalang magnanakaw dahil sa itsura, pero mas pinili parin niyang maging mabuting ama sa mga anak

Isang ina, napilitang pumili kung sino sa dalawang anak ang isasalba ang buhay sa ospital