in , , ,

Naiyak Na Lang si Mister ng Makita ang Ginagawa ng Kanyang Misis sa CCTV Kapag Wala siya sa Bahay

Marahil, ang pagiging isang stay-at-home parent ay isa sa pinakamahirap na trabaho. Agree ba kayo dito?

Sa trabahong ito, wala silang pahinga sapagkat habang inaalagaan nila ang kanilang anak, kailangan din nilang alagaan ang buong bahay. At dahil dito, halos wala nang oras ang isang stay-at-home parent upang makapagpahinga, sa kabila ng buong araw na pagtatrabaho nang walang kapalit.

Kahit ganoon man ang kanilang sitwasyon, ginagawa pa rin nila ito dahil sa pagmamahal sa kanilang pamilya. Ngunit, nakalulungkot isipin na ang mga sakripisyo na kanilang ginagawa ay madalas na hindi nakikita. At ang nakakalungkot pa, sapagkat iniisip ng ibang tao na sobrang dali ng ginagawa nila, madalas ay minamaliit pa.

Kamakailan lamang, isang lalaki mula sa Thailand ang nagbahagi kung paano niya napagtanto ang pagsusumikap ng kanyang asawang nasa bahay na alagaan ang kanilang mga anak at tahanan. At kung gaano siya nagpapasalamat sa kanyang asawa para sa mga sakripisyong ginagawa nito.

Ibinahagi niya sa isang post  ang isang collage ng mga screenshot na nakuha niya mula sa kanilang CCTV. Sinasabing nais niyang suriin o panoorin ang footage nang regular upang makita kung ano ang ginagawa ng kanyang asawa at mga anak.

Matapos nang seryosong obserbahan ang CCTV, napagtanto niya na ang kanyang asawa ay hindi tumitigil sa pagkilos sa loob ng isang araw at madalas na hindi siya nakakapagpahinga.


Sinabi din niya na kahit pagod ang asawa niya at hindi makapagpahinga, ni minsan ay hindi ito nagreklamo. Mayroon din siyang isang matamis na caption sa kanyang post para sa kanyang asawa:

“I can’t express my gratitude enough for my wife’s sacrifices. Thank you for taking such good care of our child.”

Pinaalalahanan din niya ang iba pang mister na dapat nilang pahalagahan ang kanilang full time mom sapagkat hindi ito naging madali para sa kanilang mga misis.

“People who go out to work complain about feeling exhausted when they come home. They think that their wives have it easier or do nothing at home. Change your mindset, because taking care of a child at home is not easy. I think our jobs outside are not even half as exhausting as our wives.”

Lubos na nag-viral ang kanyang post sa social media dahil maraming netizens na sumasang-ayon sa kanyang obserbasyon. Maraming mga netizen ang nag-tag sa kanilang mga kaibigan at pamilya upang paalalahanan sila na magpasalamat sa kanilang pamilya.

Sa kabilang banda, mayroon ding mga netizen ang lubos na pumupuri sa mister na ito at sinabing siya ay mabuting asawa at ama.


Ang kanyang MISIS naman ay tumugon sa viral post, sinabing talagang nagulat siya na nakakakuha ito ng labis na atensyon mula sa mga netizen.

“Actually we don’t need any grand gestures, just understanding and support from our husbands and families is more than enough. This gives us the power to keep going and take care of the family.”

Para sa mga mister na nagtatrabaho at umuuwi na nag rereklamo na sila ay pagod na pagod araw-araw, huwag niyong isipin na ang inyong mga asawa ay hindi rin napapagod.Dahil sa katunayan mas mahirap ang kanilang ginagawa ara-araw.

Sana ay mabigyang pansin din ito ng ibang mga mister at bigyang halaga ang trabaho ng kanilang mga asawa. Minsan ay bigyan din sila ng bonggang treat bilang pagpupugay.

Isang guro labis ang iniindang hirap matapos maaksidente nang dahil sa Face Sh!eld

Mga nabigyan ng bahay sa Basecommunity may reklamo pa din kay Yorme