in ,

Mga nabigyan ng bahay sa Basecommunity may reklamo pa din kay Yorme

 

Tila hindi pa din kuntento at may reklamo pa din ang mga nabigyan ng bahay sa Baseco, Tondo Manila.

 

 

Halos 100 pamilya ang nabigyan ng bagong bahay na townhouse-type sa Baseco, Maynila na tinawag na Basecommunity.

 

 

Kakalipat lamang sa lugar ng ilang pamilya ngayong linggo at masaya sila na mayroon na silang may maayos na pabahay.

 

 

Sila rin ang nakatira sa lugar na nasunugan noong isang taon. Napagdesisyunan ng lokal na pamahalaan na imbes na ibalik ang informal settler community, gawing pabahay project na lamang ito.

 

 

Mayroong 226 na townhouse unit sa lugar na may laking 42 square meters. Mayroon itong dalawang kwarto, sala at kusina, may service area at banyo.

 

 

Dalawang palapag ang unit at malawak rin ang kalsada sa paligid.

 

 

Hindi nila maaaring ibenta ang unit base na rin sa pinirmahan nilang kontrata.

 

 

Ngunit kung ang iba ay masaya at mayroon na silang bahay na matutuluyan, may iilan naman na may reklamo pa din.

 

 

Sa viral na video ngayon sa Facebook ay nakapanayam ng isang vlogger ang ilang naninirahan sa Basecommunity.

 

 

At isa na nga dito ang kinilalang si Aling Sarah.

 

 

Habang ini-interview ng vlogger si Aling Sarah ay ibinahagi nito ang ilang reklamo niya.

 

 

Ayon sa matandang babae, marami raw diumanong ipinagbabawal na gawin nila sa loob ng bahay.

 

 

Tulad na lamang ng paglalagay ng kurtina, mga sampayan, at kung anu-ano pa.

 

 

Bawal din aniya ang maglagay ng tindahan sa Basecommunity.

 

 

Reklamo pa nito na dagdag pa sa iisipin nila ngayon ang dalawang libong upa na kailangan nilang bayaran buwan buwan.

 

 

Kaya naman, maraming netizens ang tila nainis sa pahayag ni Aling Sarah.

 

 

May ilan pa ngang nagsabi na napaka-ungrateful nito dahil kung tutusin ay swerte sila at nagkaroon sila ng magandang tirahan.

 

Naiyak Na Lang si Mister ng Makita ang Ginagawa ng Kanyang Misis sa CCTV Kapag Wala siya sa Bahay

Lagi siyang pinagkakamalang magnanakaw dahil sa itsura, pero mas pinili parin niyang maging mabuting ama sa mga anak