in ,

Isang guro labis ang iniindang hirap matapos maaksidente nang dahil sa Face Sh!eld

Kung babalikan nito lamang nakaraan, inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi na mandatory ang pagsuot ng faceshied maliban sa mga malls, lugar kung saan dagsa ang tao etc. basta sila ay nakasuot lamang ng facemask na sumusunod pa din sa social distancing.

Ngunit ilang araw pa lamang ang nakalipas ng pag anunsyo agad rin itong binawi ng pangulo sa kadahilanang dagdag pa rin ang pag suot ng faceshield sa kaligtasan ng tao.

Subalit, nito lamang nakaraang lunes may isang guro ang napahamak pa dahil sa pagsuot lamang ng face shield.

Nakilala ang guro na si Ginang Luisa Arguelles, dahil sa natamong sakit dahil sa aksidente ngayon ay iniinda pa rin niya dahil ito ay nabalian ng buto sa kaniyang kaliwang pulso.

Kwento pa nga niya, ang dahilan umano ng kaniyang mga sugat at bali sa kaliwang kamay ay ang pagsuot lamang ng face shield habang ito ay naglalakad sa Novaliches, Quezon City matapos bumaba sa isang pampublikong jeep.

“Masakit po kasi ‘yung sugat talaga… lalong kumikirot kasi po nakabaon talaga yung bakal po do’n sa kamay ko…” Kwento ng guro habang ipinapakita ang tatlong bakal na nakabaon sa kanyang pulso, upang maging suporta sa buto na nabali.

“Kapag ano, ang sakit-sakit at kumikirot. Lalo na kapag malamig po, kumikirot. Tapos kapag matutulog na sa gabi, o kahit sa umaga, hindi ko alam kung saan ako papaling…” dagdag pa ng guro sa kanyang kwento.

“Naka face shield po ako at naka-salamin.. hindi ko po nakita, akala ko nahakbangan ko na yung gutter.. yun po pala, hindi pa so nadapa ako.. nung pagkadapa ko po, ito pong kaliwa kong kamay yung naitukod ko..” pagpapaliwang niya sa kanyang karanasan nang maaksidente sinabi din nitong agaran siyang tinulungan ng Traffic Enforcer na nakakita sa pangyayari at mabilis na naisugod sa hospital.

Nangyari ito sa kalagitnaan ng pagtatalo ng gobyerno kung kailangan pa ba ang pagsusuot ng face shield sa mga pampublikong lugar at dahil sa paniniwala at pagpapaliwanag ng mga health professionals ay mas minabuting panatilihin ang pagsuot o pag gamit ng face shield.

Dahil bukod sa nakakadagdag proteksyon ay mababa pa lamang ang bilang ng mga nababakunahan sa bansa kaya’t mas malaki pa ang tiyansa ng pagkalat ng virus.

 

Kasal halos maantala dahil sa ginawa ng bride sa harap ng altar, Groom halos di kayanin ang pangyayari

Naiyak Na Lang si Mister ng Makita ang Ginagawa ng Kanyang Misis sa CCTV Kapag Wala siya sa Bahay