in , ,

Nagtext lang si Misis kay sir Raffy Tulfo! Instant pambayad ng bahay na

Nakilala ng buong sambayanan ang programang Raffy Tulfo in Action na tumutulong sa mga mahihirap o sa mga taong nadedehado.

Nito lamang nakaraan, pinalad ang isang babae na mapabilang sa pagbibigay ng ayuda ng tv host na si Raffy Tulfo sa netizens.

Aniya, minsan na siyang natawagan ng nasabing programa ngunit sa masamang palad ay hindi niya ito nasagot.

Ngunit, matiyaga pa rin siyang nagtitext sa programa umaasang mabibigyan ulit siya ng pangalawang taon na matulungan ni idol Raffy.

Dahil sa tulong na kanyang natanggap ay nagkaroon siya ng pambayad sa kanyang bahay na mahigit isang taon ng hindi pa nababayaran kaya naman ganun na lamang ang pasasalamat niya sa blessing na ipinagkaloob sa kanya.

Nakilala ang ginang na si Charlone Perez na isa sa nabibiyaang pinasyal ni idol Raffy Tulfo.

Nalaman din ni idol Raffy na matiyaga talagang nagtetext si Charlone dahil sa pagbabakasakaling isa siya sa mapipili.

Tila nagbunga ang kanyang paniniwala ulit at pagbabakasakali na siya ay matulungan. Dahil sa unang tawag ng RTIA ay hindi niya ito nasagot.

Kaya naman, sa pangalawang tawag nang marinig ni Charlone ang boses ni idol Raffy halos hindi ito makapaniwala lalo na’t alam niyang masasagot na ang kanyang problema sa pinansyal at mga problema.

Dagdag pa niya, muntikan na silang paalisin sa kanilang tinitirhang bahay dahil nga sa mahigit isang taon na itong hindi nakakabayad.

Mula nang mag ka pandemya, ito lamang Enero ngayong taon nakabalik ng trabaho ang kanyang mister.

Labis na lamang ang pasasalamat ng pamilya lalo na si Charlone kay idol Raffy sa pagbibigay ng pangalawang pagkakataon na makatanggap ng ayuda.Sinabi rin nito na kusang loob na dinagdag ni Idol ng P10,000 ang ayuda upang mayroon silang panggastos sa pang araw-araw.

Kung babalikan si Raffy Tulfo ay isa sa mga public servant o mas kilalang batikang broadcast journalist sa bansa at mas nakilala pa siya bilang isang “Hari ng public service” sa kanyang programa na ‘Wanted sa Radyo’.

Dahil sa kanyang dumadami na supporters, Nakilala din si Idol Raffy na isa ng Youtuber sa bansa na may mahigit 20.8million subscribers sa kanyang Youtbe account na Raffy Tulfo in Action.

Bukod sa kilalang nakakatulong sa problema ng maraming tao, kilala din siyang mapagbigay sa mga kapos palad.

Hindi hadlang ang kapansanan upang matagpuan ang tunay na pag-ibig

Kasal halos maantala dahil sa ginawa ng bride sa harap ng altar, Groom halos di kayanin ang pangyayari