in , , ,

Kasal halos maantala dahil sa ginawa ng bride sa harap ng altar, Groom halos di kayanin ang pangyayari

Hindi maitatanggi na sa buhay natin isa ang kasal sa pinaka mahalaga at memorable day para sa magkasintahan. Dahil sa araw na ito ay ganap ng mababasbasan bilang mag-asawa sa harap ng Diyos at ng mga buong pamilya.

Hindi rin maiiwasan sa matagal ng mag asawa na halungkatin o alalahanin ang araw ng kanilang kasal kaya di rin maiiwasan ang kiligin at saya sa tuwing napaguusapan.

Katulad na lamang ng kakaibang wedding day story ng mag asawang ito na dapat ay malumanay na seremonya ngunit sa hindi inaasahan ay nauwi sa comedy matapos gawin ng bride sa harap mismo ng altar.

Kwento ng groom na si John Alvin Torrente, hinding-hindi niya malilimutan ang facial expression ng kanyang bride na si Ijo noong araw ng kanilang kasal.

Habang binabasa ng bride ang kanyang wedding vows ay hindi nito mapigilang maging emosyol. Kaya naman hindi napigilan ang iyak ni Ijo, ngunit kasabay ng tears of joy ay lumobo rin ang kanyang sipon.

Nasaksihan naman ito ng groom, kaya naman labis na lamang ang tawa ni John Alvin matapos makita ang muka ng kanyang bride. Kwento ni John Alvin sa kanyang viral post sa facebook.

“Alam niyo bang pag tapos ni Ijo bitawan yung wedding vow niya, lumubo yung sipon niya at mula nun di na ako nakinig kay father. Tumawa na lang ako ng tumawa hanggang matapos yung kasal. Hahaha sabi niya wag ko na ipagsabi pero 2 years naman na kaya baka pwede na ikuwento.” 

Ibinahagi din niya ang mga kuhang larawan kung saan makikitang tumatawa sila pareho ng kanyang bride at dahil sa hindi mapigilan ang pag tawa.

Panandaliang naantala ang seremonya hanggang sa huli ay maging ang bride at iba pa nilang bisita ay natawa na lamang.

Ang viral post ay umani ng maraming netizens reactions dahil sa nakakaaliw at nakakakilig nilang wedding story.

Marami ang humanga sa kanila lalo sa groom dahil tila tanggap na tanggap at di maikakaila na komportable sila sa piling ng isa’t isa.

Sa ngayon mayroon ng 136.000 likes at 66.000 shares mula sa mga netizens sa Facebook.

Ano pong masasabi niyo dito?

Nagtext lang si Misis kay sir Raffy Tulfo! Instant pambayad ng bahay na

Isang guro labis ang iniindang hirap matapos maaksidente nang dahil sa Face Sh!eld