in , , ,

Hindi hadlang ang kapansanan upang matagpuan ang tunay na pag-ibig

Naniniwala ka din ba sa kasabihan na “love is blind”?

Pag dating sa pag-ibig, kapag tinamaan ka hindi na mahalaga sayo ang edad, pang labas na anyo o estado sa buhay.

Wala man sa itsura ang tunay na pagmamahal, kapag nahanap mo naman ang taong magmamahal ng totoo sayo para ka na rin naka jackpot sa lotto.

Kamakailan lang ay nag viral sa iba’t ibang social media account ang nakakatuwa at nakakakilig na love story ng isang couple mula sa Thailand.

Sa kabila ng pang labas na anyo at kapansanan ng lalaki ay hindi ito naging hadlang sa pagmamahal at pag aalaga ng kanyang kasintahan.

Si Phatsara Obnak na 23-anyos na dalaga ay maraming lalaking nagtangkang manligaw sakanya dahil sa taglay nitong ganda ngunit iisang tao lamang ang bumihag sa puso nya. Iyon ay walang iba kung hindi si Boonme Khantong na 37-anyos na siyang naging kabiyak ng magandang dilag na ito.

Ayon sa Thai News, ikinasal ang dalawa sa Northeastern Province na Surin.

Sa isang panayam ay ibnahagi ni Boonme na bata pa lamang siya nang tuluyang masira and cappilaries ng kanyang mukha na siyang naging dahilan ng kakaibang itsura nito.

Dahil sa hirap ng buhay ay hindi na niya ito naipatingin sa doktor at nawalan na rin siya ng pag-asa na makakahanap pa siya ng babaeng magmamahal at tatanggap sa kaniya sa kabila ng pisikal na anyo niya.

Hanggang sa nagtagpo an landas ng dalawa habang nagtitinda ang lalaki ng papaya sa Southern Hat Yai CIty.

Na love at first sight ang lalaki nang makita nya si Phatsara at agad ay nahulog ang loob niya dito. Napag-alaman niya na may dating asawa at mayroong isang anak ang dalaga ngunit tinanggap ni Boonme ito at handa raw siya tumayong tatay para dito.

Ayon naman kay Phatsara ay nahulog ang loob niya sa kanyang mister dahi sa pagiging responsable at maasikaso daw nito.

Minahal din nito ang kaniyang anak na tila ba sariling dugo niya ito. Kaya nama maraming netizens ang namangha at kinilig sa love story nang dalawang ito.

Ang sarap makita ng couple na ito, na hindi nagpapa apekto sa mga sinasabi ng ibang tao, bagkus ay naka focus lang sila sa kanilang pagmamahalan. Ano pong masasabi niyo?

 

Dugo’t pawis ang puhunan! Single Mom na OFW, labis na nanlumo sa nangyari sa pinapatayong bahay

Nagtext lang si Misis kay sir Raffy Tulfo! Instant pambayad ng bahay na