in , ,

Pulis, pinagbigyan ang hiling ng isang bata na mayakap kahit saglit ang amang nasa kulungan

Sabi nga nila, ang pagmamahal ng isang ama sa kanyang anak ay hindi mapapatanyan ng ano mang mga bagay mas nananaig ang pagmamahal kaysa sa stado ng buhay.

Katulad na lamang nitong isang viral post sa social media na kung saan makikitang gustong-gusto ng anak na mayakap ang kanyang ama na nasa loob ng kulungan.

Ang post na ito ay umani ng iba’t-ibang reaksyon sa mga netizens.

Ayon sa naturang post nag request ang bata sa isang pulis na kung pwede niya mayakap ang kanyang ama dahil sobrang miss na niya ito.

“Sir mamang Pulis… Pwede ko po bang mayakap ang aking papa? Miss na miss ko na po kasi siya pwede niyo po bang siyang palayain na?”

Dagdag pa ng bata na kung pwede ay palayain na ang kanyang ama ngunit ito ang naging sagot ng pulis.

“Naku ading hindi kasi pwede eh, husgado kasi ang magpapasya pero sige halika para hindi namamagitan ang rehas sa pag yakap sa iyong papa buksan ko nalang saglit at yakapin mo siya para tugon sa iyong mumunting hiling”. 

Basahin ang kabuohang post:

Kayan naman, maraming netizens ang humanga sa kabutihan na ipinakita ng pulis sa mag ama na sa simpleng bagay ay naibigay nito ang kahilingan ng isang anak na mayakap ang kanyang ama.

Biglang pinatigil ang eroplano matapos makita ang itinatago ng flight attendant sa kanyang suitcase

Dugo’t pawis ang puhunan! Single Mom na OFW, labis na nanlumo sa nangyari sa pinapatayong bahay