in , ,

Dugo’t pawis ang puhunan! Single Mom na OFW, labis na nanlumo sa nangyari sa pinapatayong bahay

Kilala ang ating mga Overseas Filipino worker na masisipag at madiskarte sa kabila ng pakikipagsapalaran sa ibang lugar matupad lang ang mga pangarap para sa kanilang pamilya ngunit hindi lahat ay pinapalad.

Nito lamang nakaraan, isang OFW ang nagpahayag ng kanyang nakakalungkot na karanasan sa social media. Labis na lamang ang pagkakadismaya ni Sally Niesalie Asuncion, isang OFW matapos gumuho ang bahay na kaniyang ipinapagawa sa Barangay Yeban Norte, Isabela.

Ayon kay Sally maraming tao na ang lumipas dugo’t pagod ang kanyang puhunan sa ibang bansa maipagawa lamang ang kanyang bahay.

Isang single mother si Sally na nakikipag sapalaran sa ibang bansa upang mabigyan ng magandang buhay ang kanyang anak at makapundar ng bahay sa kanilang lugar.

Ngunit sa kabila ng lahat ng mga pangarap sa pinapatayong bahay naging masakit para sa kanya na nasira ito nang gumuho ang lupang kinakatayuan ng kanyang bahay.

“Ayaw ko sanang ipost pero nakakalungkot kahirap bumangon kapag ung mga magpundar mong pinaghirapan galing abroad ganito mangyari. Nasa kalagitnaan palang ng pagtatrabaho pero ganito na. Nakapabobida at tiles nakapabakod na din na kung baga bahay na talaga pwedeng ipagmalaking bahay na.”

 

Sa kasamaang palad, hindi na maaring ipa renovate ang kanilang bahay. Ayon sa mga expert at local goverment sa kanilang lugar.

Hindi na ligtas kung tirhan pa ang lugar dahil sa malambot ang area na kinakatayuan na bahay, kaya naman magawa si Sally at ang iba pang residente na maghanap ng bagong matitirhan.

Dagdag pa ni Sally na labis ang kanyang panghihinayang at pighati sa nangyari dahil sa ilang taon niya ng pinagipunan sa abroad maipagawa lang ang kanyang pangarap ng bahay.

Ganun din ang pasasalamat niya sa Diyos na walang nasaktan sa kanilang pamilya. Gayunpaman, patuloy pa rin na lumalaban sa pagkayod si Sally para sa kanyang anak.

“Di na marerenovate kelan man kasi mga lupa bumuka inangat at dina pantay. Di na pwedeng tirhan. Buti na lang wala pang ulan baka pag meron lalo na. Sa mga nagtatanong hindi l4ndslide. Bumuka ang lupa sa kabahayan na kumokonekta na din daw sa bundok kaya may l4ndslide konti.

Pulis, pinagbigyan ang hiling ng isang bata na mayakap kahit saglit ang amang nasa kulungan

Hindi hadlang ang kapansanan upang matagpuan ang tunay na pag-ibig