in , , ,

Charlie Lozada, Isang Bigtime Businessman Na! Tuluyan na Ring Kinalimutan ang Asawang Nanloko sa Kanya

Naalala niyo pa ba si Charlie Lozada na iniwan ng kanyang asawa na OFW, isa na siyang matagumpay na negosyante sa tulong ni Raffy Tulfo

Inilabas ni Raffy Tulfo ang pinakabagong mga update kay Sheerlyn Gerasta at sa kasalukuyang buhay ng dating partner nitong si Charlie Lozada pagkatapos ng breakup.

 

Taong 2019, ang Pinay Overseas Filipino Worker (OFW) na si Sheerlyn Gerasta ay naging headline ng maraming mga local news outlet at mga social media page sa pag-abandona sa asawa niyang si Charlie Lozada at mga anak.

 

Iniwan ni Sheerlyn ang kanyang pamilya upang makipagrelasyon sa isang Pinoy engineer sa Jeddah na kinilalang si Edwin Madredio.

Ngayong 2021, kamusta na kaya ang buhay ni Charlie Lozada at ng kanyang mga anak?

Sa huling update ni Tulfo, ibinahagi ni Charlie na mayroon na siyang napundar na maliit na negosyo. Dahil sa puhunan na ibinigay ni Tulfo, nakapagsimula siya ng negosyo ng mga ready-to-wear garments. Ang kanyang pwesto daw ay matatagpuan sa Guadalupe.

Inihayag ni Tulfo na mayroon nang bagong kasintahan si Charlie Lozada.

 

 

 

Bukod pa dito, napalago ni Charlie ang puhunan na P100,000 na ibinigay ni Idol Raffy. Bukod sa pagtitinda ng mga damit, pinasok rin ni Charlie ang pagbebenta ng isda. Mayroon na siyang malaking pwesto sa palengke, kung saan nagbebenta siya ng mga isda at frozen foods.

Bukod pa dito, kamakailan lang din ay muling nadagdagan ang tulong sa kanya ng team ni sir Raffy. Panibagong negosyo ang ibinigay nila sa amang pilit na bumabangon.

 

 

Pagdating naman sa love life, mukhang unti-unti nang nakaka move on si Charlie mula sa mapait na karanasan niya. Ayon sa kanyang mga posts sa Facebook, may bagong babae na ang nagpapatibok sa puso ni Charlie!

Ang kanyang bagong girlfriend ngayon ay mayroon ring tatlong anak sa unang kinakasama nito.

Sa kabila ng lahat, masaya at kuntento na si Charlie at ang mga anak nila. Kahit pa hindi na sila muling nagkabalikan ng kanyang dating asawa, minsan naman daw ay binibisita ni Sheerlyn ang kanilang mga anak.

 

 

 

 

Anong sekreto? Misis nakaipon nv 217k mula sa mga tip ng kanyang mister bilang barbero

Biglang pinatigil ang eroplano matapos makita ang itinatago ng flight attendant sa kanyang suitcase