in , , ,

Anong sekreto? Misis nakaipon nv 217k mula sa mga tip ng kanyang mister bilang barbero

Mahigit isang taon na ang nakalipas mula noong napatupad sa buong Pilipinas at sa mga kalapit na bansa ang iba’t-ibang community quarantine.  Kung maaalala mo ang mga panahong ito, naging mahirap para sa mga tao ang mabilis na paglaganap ng p4ndemya.

Dahil dito maraming negosyo at trabaho ang natigil Kaya naman para sa marami, mas lalong naging mahirap ang buhay sa Pinas. Maging ang ating mga kabataan ay lubos ding naapektuhan dahil sa ipinatupad na online schooling.

Lalo na ang mga small businessness gaya ng mga barber shop at salon na napilitang mag sara dahil sa mga quarantine.

Iba’t- ibang diskarte ang naging sandigan ng bawat mamamayan upang makaraos sa mga ganitong panahon.

Katulad na lamang ng isang post na ibinahagi ng Facebook page na CFO PESO SENSE. Isang may bahay ang nag viral matapos nitong gulatin ang kanyang asawa sa malaking pera na naitabi nito bago pa man mangyari ang p4ndemya.

Isang magaling na barbero si mister a at marami-rami din itong mga customer na maykaya sa buhay. Nagugustuhan si mister ng mga customer at nakakuha ng maraming suki na nagbibigay ng tip dito araw-araw.

Napagkasunduan ng mag asawa na ibibigay kay misis ang mga tip na nakukuha na minsan ay umaabot sa 1500 pesos sa isang araw. Habang ang buong sahod naman ni mister ay sa kanya lamang.

Ang sahod ni mister ay nakalaan sa mga pangangailangan ng mga anak, mga bayarin at pang gastos sa araw araw. Bilang mag asawa, nagtutulungan sila na pagkasiyahin at i-budget ang kanilang pera sa pang araw-araw.

Dahil sa p4ndemya at pagpapatupad ng ECQ sa bansa lubhang naapektuhan ang trabaho ni mister dahil sa pag papasara ng barbershop na kanyang pinagtatrabahuhan. Labis na lamang ang lungkot ni mister dahil iniisip nito na kung saan sila kukuha ng panggastos.

Lumipas ang ilang araw nagtataka pa rin si mister dahil sa kabila ng tigil sa trabaho ay masasarap pa rin ang kanilang mga pagkain sa araw-araw na tila normal lang. Dito na niya napagpasyahang tanungin ni misis.

Nang tanungin nito ang kaniyang misis, ipinakita na lamang sa kaniya ang naipon nilang pera noong mga panahong may trabaho pa ang kanyang mister. Nang bilangin nila, umabot pala ito ng mahigit 217, 000 pesos.

Sobra na lamang ang saya ni mister dahil sa kabila ng hirap at pagod sa pagtatrabaho ay masinop ang kanyang asawa. Hindi rin napigilan ni misis na maluha sa saya dahil dumating man sa puntong nawalan si mister ng hanapbuhay, ay mayroon pa rin silang mahuhugot na pera sa kanilang pangangailangan sa araw-araw.

Gayunpaman, para sa mag asawa malaki man ang kanila naipon ay kailangan pa rin nila ito gamitin sa tama dahil alam nila na wala paring kasiguraduhan kung kelan magtatapos ang krisis na nararanasan natin hanggang ngayon.

Batang genius! 11 anyos na pa lang na dapat ay grade 5 pa lang, college student na!

Charlie Lozada, Isang Bigtime Businessman Na! Tuluyan na Ring Kinalimutan ang Asawang Nanloko sa Kanya