in , ,

Batang genius! 11 anyos na pa lang na dapat ay grade 5 pa lang, college student na!

Nang dahil sa pabago-bagong henerasyon talagang masasabi na karamihan sa kabataan ay talaga namang talentado sa paraan ng kanilang hilig o nakasanayan.

Dahil hindi maitatanggi na sa murang edad ay nasususbukan ang kanilang talas ng isip at nagpapakita ng nakakabilib na galing sa isang larangan.

Magkakaiba man ng galing at talino ang bawat isa, nakakamangha pa rin pakinggan ang kanilang mga kwento.

Isa na rito si Joys David na nagmula sa California. Neto lamang nakaraan, napabilang si Joys sa isang exclusive interview na “Bawal ang Judgemental” sa isang segment ng noontime show na “Eat Bulaga”.

Ibinahagi naman ni Joys ang kanyang mga na experiences sa kanyang mga achivements bilang isang talented and child genius.

“I started school pretty normally, at a normal age. When I was in elementary school, I started getting accepted into some special programs.”

Ayon din kay Joys, matapos siyang matanggap sa isang community college, saka naman niya ipinagpatuloy ang pag-aaral sa isang kilalang University sa Southern California. Nakapagtapos si Joys sa edad na 19 years old.

Dagdag pa niya, bata pa lamang siya ay sa California na siya lumaki at ng dahil sa angking galing at talino ay agad siyang natanggap sa mga kilalang unibersidad sa nasabing bansa.

Sa katunayan pa nga, dahil sa kanyang talino ay masasabing napaka advance na niya kumpara sa normal na studyante.

Kaya naman walang naging problema sa kanyang pag-aaral hanggang siya ay nag kolehiyo. nabanggit din niya na 11 years old pa lamang siya ay nag aaral na ito ng creative writing.

“I started college at 11 and then I just graduated last year in bachelor of arts in creative writing.” aniya.

Kaya naman laking gulat ng mga kilalang tv host na sina Maine Mendoza, Paolo Ballesteros at ang guest na si Cassy Legaspi. Dahil hindi makapaniwala sa murang edad ay marami ng nakamit si Joyce sa kanyang buhay bilang isang studyante.

Di mo to inaasahan! Anong nangyayari sa mga tirang tinapay sa isang sikat na bakery?

Anong sekreto? Misis nakaipon nv 217k mula sa mga tip ng kanyang mister bilang barbero