in , ,

Di mo to inaasahan! Anong nangyayari sa mga tirang tinapay sa isang sikat na bakery?

Noon pa man tila nakasanayan na nga natin na sa tuwing kakain tayo ng breakfast ay may nakahandang masarap pagkain. Isa na dito ay ang mainit na pandesal o iba pang klase ng tinapay na babagay sa mainit na kape.

Kung isa ka din sa mahilig sa iba’t ibang klase ng tinapay, sigurado akong kilala mo din ang isa sa mga sikat na bakery o pastry store na “BreadTalk”. Kadalasan ang kanilang mga store ay matatagpuan sa loob ng mga malls.

Bukod sa maraming pagpipilian ng iba’t ibang klase ng tinapay ay talaga namang masasabi na sulit dahil ang kanilang mga tinda ay hindi basta basta lamang. Ang kanilang mga pastries ay may kakaibang twist at masasabing talagang masarap kaya hinahanap hanap at dinadayo ng maraming customers.

Dahil sa pagtangkilik ng mga tao sa nasabing pastry store, pinatunayan ng Breadtalk na laging fresh from the oven and ready to served ang kanilang mga tinapay.

Ano namang nangyayari sa mga natitirang tinapay na tinda ng Breadtalk?

Kadalasan, bago magsara ang mga bakery ay ginagawa na lamang nilang promo o buy one take one ang mga panindang tinapay. Ginagawa nila ito para mapaubos ang mga tinapay at hindi masayang. Ngunit, iba-iba ang diskarte ng mga pastry store pagdating rito upang mapakinabanggan pa ang mga natirang tinapay.

Isang netizen naman ang nagbahagi ng kanyang na experience sa kanyang social media account. Mabilis itong nag viral dahil sa hindi inaasahan ng mga netizens ang ginagawang ito ng nasabing store.

Kwento ng netizen, naabutan niya ang closing time ng Breadtalk. Maya-maya raw, isang lalaki ang lumapit sa manager upang magtanong kung ‘pwede na’. Hindi naman nag atubili ang manager na ipaliwanag sa kanya ang natunghayang pangyayari.

Ayon sa manager, ang mga natitirang tinapay after closing ng kanilang store ay dino-donate na lamang nila sa charity. Gabi-gabi pa nga raw ay nagpupunta ang mga delivery riders upang ibahagi  ang mga natirang tinapay sa iba’t-ibang lugar. Sa ganitong paraan, hindi nga naman diretso sa basurahan ang mga natirang tinapay, bagkus ay makakatulong pa sa iilan. Hindi ito nasasayang.

“So dito po sa Pilipinas, may mga chosen charity ang mga breadtalk stores and sa kanila namin binibigay,” the manager was quoted as saying.

“This way po, nakakasiguro kayong baked fresh na everyday ang products namin, nakakatulong pa po kami sa community.”

Nabanggit din niya na mas pinili daw ng management ng Breadtalk ang ganitong simpleng pamamaraan. Ayon sa kanya, mas priority nila ang pagpapalaganap ng kabaitan at pagpapahalaga sa mga tao.

Hindi inaasahan ng marami ang ganitong gawain ng kilala at malaking bread store sa bansa. Kaya naman siguradong mas marami pang customers ang tatangkilik sa kanila dahil makakasigurado kang fresh talaga ang lahat ng kanilang paninda. Nakakatulong pa sila sa ilan nating kababayan na salat sa pagkain.

Saludo ang marami sa kabutihan ng kilalang pastry store na ito sa mga tao. Nawa’y marami pa ang tumulad sa magandang gawain nilang ito.

Wais na Nanay, Binilhan ang Cellphone ang mga anak pero may naisip siyang magandang kondisyon

Batang genius! 11 anyos na pa lang na dapat ay grade 5 pa lang, college student na!